Apela ni Pres. Duterte sa LGUs, pakainin sa McDo at Jollibee ang mga magpapabakuna.
| Composite photos of Pres. Duterte, McDonald's and Jollibee |
Binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng awtorisasyon ang mga local governmment units (LGUs) para maglabas ng pera upang pakainin ang mga taong magpapabakuna sa Jollibee at McDonalds; ang dalawang fastfood chains na lumahok sa 3-day national vaccination drive.
Matatandaang inialok ng Jollibee at McDo ang kanilang mga outlets upang magamit na vaccination sites.
Ayon sa Pangulo, ito raw ay isang paraan upang mahikayat ang mas maraming mamamayan na magpabakuna. Ibabalik naman daw niya ang magagastos ng mga LGUs.
| Image from Jollibee |
“’Yun namang pupunta sa Jollibee saka sa McDonald’s tapos parang gutumin, walang pera, tapos maamoy niya ‘yang karne diyan, I am authorizing all governors and mayors, gumastos na lang kayo ng pera, papalitan ko lang ‘yan balang araw, pakainin na lang sila,” apela ng Pangulo sa LGUs sa kanyang pre-recorded “Talk to the People” public briefing noong Martes,ika-23 ng Nobyembre.
Ang tatlong araw na national vaccination drive ay gaganapin mula sa ika-29 ng Nobyembre hanggang sa ika-1 ng Disyembre. Sa loob ng tatlong araw ay target ng gobyerno na mabakunahan ang 15 milyong mamamayan sa labas ng Metro Manila.
Sabi pa ng Pangulo, hindi naman mahihirapan ang mga lokal na opisyal na kumbinsihing sumama ang mga tao sa vaccination sites dahil sanay naman ang mga ito na maghakot ng mga tao tuwing eleksyon.
| Image from McDonald's |
“Sanay ang mga governors and mayors maghakot ng tao so dapat kayang-kaya din nila ito,” aniya.
Nagpahayag din si Pangulong Duterte ng suporta sa mga establisyimento tulad ng mga restaurant, resort at iba pa na hanapan ng proof of COVID-19 vaccination ang mga customers.
“I support ‘tong mga restaurants and all na delikado sa contamination, in public. You have my support. Huwag mo sila pakainin. Kailangan talaga lahat mabakunahan. Ang mga ayaw, they should not be allowed inside public restaurants or resorts because they are a threat to public health and the safety of the general public,” wika pa ni Pangulong Duterte.
| Image from Alabel Municipal Health Office |
Samantala, humiling naman sa Department of Health ang League of Provinces in the Philippines ng karagdagang vaccinators at encoders para sa national vaccination drive na "Bayanihan, Bakunahan."
COMMENTS