Natatandaan mo pa ba ang maganda at sikat na mang-aawit ng dekada '70 na si Eva Vivar?
Natatandaan mo pa ba ang maganda at sikat na mang-aawit ng dekada '70 na si Eva Vivar? Ang popular celebrity na madalas inihahalintulad noon sa Birheng Maria?
Hindi nakagugulat kung paano naging bantog noon si Eva; maganda na ang tinig, likas pa ang taglay na kagandahang pisikal.
Ayon sa Pinoy Grooves, apat na taon pa lamang si Eva noong nagsimula siyang kumanta. Noong siya ay nasa third year high school na, nadiskubre siya ng Reyna ng Balagtasan na si Ofelia Angeles na nagtatrabaho noon sa unibersidad na pinapasukan niya.
Sa simula ay bahagi lamang siya ng mga show sa Bulacan at kumakanta lamang ng mga cover ng awitin ni Eddie Peregrina, ngunit sa kalaunan ay pinayuhan siyang maging propesyonal na mang-aawit na.
Image via Alpha Records
Nagsimula na ngang mapanood si Eva sa mga programa sa telebisyon at narinig na rin sa himpapawid ang kanyang malamyos na tinig.
Ang mga ka-batch niya sa itinuturing na golden age ng local recording ay sina Rhodora Silva, Perla Adea, Amalia Braza at ang tinatawag na Apat Na Sikat (Lala Aunor, Dondon Nakar, Winnie Santos at Arnold Gamboa).
Kabilang sa mga awitin niya ay "Yellow Bird", "Let Me Call You Sweetheart", "I Understand", "Let Me Be the One", " F0rbidden Games " (Theme from 1952 French film "Jeux Interdits"), "A Girl's Prayer", "Speak Softly Love", and "I Left You"; na recordered at distributed ng Alpha Records.
Images via Edgar Ebro | Alaala ng mga Larawang Kupas
Matatandaang naging panauhin pa si Eva sa ABS-CBN show na Kadenang Ginto at minsang nakasama ng beteranang aktres na si Susan Roces sa isang proyekto.
COMMENTS