Family Story: Ang Nanay na Ayaw Masanay sa Sustento

“Sustento ng pagmamahal” -- kusang ibinibigay ng mga anak na nagpapasalamat sa magulang na minahal sila at inaruga.



Matagal niyang hawak ang ilang lilibuhing pera sa kanyang kamay. Mataman niya itong tinitignan. Hati ang damdamin. Natutuwa ba siya o nalulungkot?

Ilang buwan pa lamang siyang nawalan ng trabaho ngunit eto at nagsimula nang bumagsak sa kanyang palad ang mga perang hindi niya kinita. Ayuda ni bunso. Sinundan ni tersera hijo at kanina ay mula kay panganay. Kalakip ng kanilang mga ibinigay ang mga salitang “may susunod pa riyan, Nay.”

Ang kapisan niya ngayong anak na may sarili nang pamilya ang siyang namili ng dalawang sakong bigas at sumagot sa bills nila nitong buwang kasalukuyan. Hinayaan siya nitong mamili ng mga nais niyang mabili sa pamilihan. Panay pa nga ang kanyang tanong “kung puwede ba kumuha nito” sa ilang aytem. Natatawa si anak. Hindi kasi siya sanay na hindi siya ang gumagastos. Nakakapanibago.


Hindi naman siya nanghihingi. Nakararaos pa naman bagama’t kaunti lamang ang kanyang naitatabi. Ngunit sa mga ginagawa ng kanyang mga anak, hindi ba dapat ay isantabi na niya ang lungkot? 

Naroon pa rin kasi ang kanyang pagnanais na manatiling head of the family. O baka naman sadyang“ayaw niyang maging pabigat…?”

Nasanay na kasi siyang siya ang breadwinner ng pamilya. Iginapang niya ang pag-aaral at ang pagbuhay sa mga ito. Kabi-kabilaan ang kanyang raket at loans makaraos lamang sila. Kahit nang makapagtapos at magkatrabaho na ang kanyang mga anak ay mas pinili niyang siya ang sandigan ng kanyang mga anak. 

“I-enjoy n’yo ang pinaghirapan n’yo. Mag-ipon, bumili ng nais basta’t hindi makasasama, Paghandaan n’yo ang inyong future dahil wala naman akong maipapamana.”

At ganoon nga ang ginawa ng kanyang mga anak na mga single pa noon. Dahil galing sila sa buhay na maiksi ang kumot, 'ika nga, lalo na noong nagsisipag-aral pa sila at nagsikap na makakuha ng trabahong pandugtong sa kanilang mga pangangailangan, sinimulan nilang bilhin ang mga bagay na dati ay pangarap lamang. Mga gadgets, mga damit, kagamitan sa bahay, computers, at masasarap na pagkain -- time to enjoy nga naman! Maging siya ay nabiyayaan na rin ng mga cellphones, computer at kung anu-ano pa. Hindi naman kasi siya palabili para sa sarili?


Nang nagkapamilya ang dalawa niyang anak na lalaki, nagsikap silang magkaroon ng sariling bahay katuwang ang kanilang maybahay. Hindi man masasabing sila'y naging mayaman, komportableng buhay ang tinatamasa nila ngayon kapiling ang kanilang mga anak. Ang bunso ay nagsimula na ring gumawa ng sariling buhay at patungo na sa pag-iipon para sa sariling bahay.

Sa kabuuan, isa na siyang masayang ina at lola sa tatlong apo. Palipat-lipat siya sa tatlong bahay pagkat nag-aagawan ang kanyang mga anak sa kanya. Kung alam lang nila, labis ang tuwa sa puso ng kanilang ina na ang turing sa kanila ay ang kanyang mga tunay na yaman. "My treasures" nga kung tawagin niya ang kanyang mga anak at mga apo.

Dumating ang pandemya. Maraming nagsarang kompanya. Kasama si nanay sa mga nawalan ng pagkakakitaan.

“Magpahinga ka na kasi, Nay…”

“Kami na pong bahala sa ‘yo…mag-relax ka na lang…”

"Labis-labis na ang tinrabaho mo sa buhay mo, Nay, noon ka pa namin pinapatigil, ang tigas ng ulo mo..."


Buntong-hininga… parang labag sa kanyang kalooban ang tumigil sa paghahanapbuhay. Nakasanayan na kasi? O baka naman ayaw lang niyang masanay sa sustento? Malayo pa naman kasi ang lalakbayin ng kanyang mga anak sa kanilang tinatahak na landas habang siya naman ay nasa dapithapon na ng kanyang buhay.

Ilang araw siyang tahimik na nagdasal...panahon na nga bang tumigil, Ama? 

May dumapong ibon sa kanyang tabi habang nakaupo siya sa beranda ng kanilang bahay. Malaya na nga pala siyang lumipad at gawin ang mga nais niya para sa sarili. "Me time..."  ang sariling hobbies nga naman ay puwede na niyang balikan. Mga simpleng bagay lang naman ay nagpapasaya na sa kanya gaya ng pagbabasa at pananahi. Isali na riyan ang paglilibang sa cellphone games!  hahaha




Ang Pagtanggap

“Salamat, Ama, sa mga mabubuting anak na ipinagkatiwala mo sa akin.”

Panahon na nga siguro ng pahinga at magpakananay na lamang siya…at lola sa kanyang mga apo.

Panahon na nga siguro para masanay na siya sa “sustento ng pagmamahal”  na kusang ibinibigay ng mga anak na nagpapasalamat sa pagkakaroon ng mga magulang na minahal sila at inihanda para sa mas magandang kinabukasan.




COMMENTS

Name

animals,7,beauty,5,business,2,celebrities,67,celebrity,2,charity,1,clothing,3,current events,38,entertainment,58,environment,1,events,8,fashion,4,Food,20,Food & Travel,3,food and travel,4,government,28,Health,59,Inspiring,57,jobs,1,lifestyle,33,lottery,1,music,2,News,55,OFW,2,Others,144,people,16,pets,2,Philippine Showbiz,4,politics,15,relationship,5,social media,15,sports,1,technology,5,Travel,3,trends,80,wildlife,1,world news,1,
ltr
item
News Presenter: Family Story: Ang Nanay na Ayaw Masanay sa Sustento
Family Story: Ang Nanay na Ayaw Masanay sa Sustento
“Sustento ng pagmamahal” -- kusang ibinibigay ng mga anak na nagpapasalamat sa magulang na minahal sila at inaruga.
https://blogger.googleusercontent.com/img/a/AVvXsEgs9tXet6n5zNmXzS5zzHdgt3IiNh4Vi3m_fMbx6WauXgaawd4fPWDX7xKzE06VFYrOEZXB-1P4wSnHSG5-cUgFeQDhHmGs9ZLOil354KYImrjADgcz-vBFsyLvLLDj3ywqG4-CXWG1sApX8yKK_d_bfQyEeLQKLjh1dlk0vNeSBA4ybyPtZbnllY1j=w640-h390
https://blogger.googleusercontent.com/img/a/AVvXsEgs9tXet6n5zNmXzS5zzHdgt3IiNh4Vi3m_fMbx6WauXgaawd4fPWDX7xKzE06VFYrOEZXB-1P4wSnHSG5-cUgFeQDhHmGs9ZLOil354KYImrjADgcz-vBFsyLvLLDj3ywqG4-CXWG1sApX8yKK_d_bfQyEeLQKLjh1dlk0vNeSBA4ybyPtZbnllY1j=s72-w640-c-h390
News Presenter
https://news-presenter.blogspot.com/2021/11/family-mother-parenting.html
https://news-presenter.blogspot.com/
https://news-presenter.blogspot.com/
https://news-presenter.blogspot.com/2021/11/family-mother-parenting.html
true
5115326993436416456
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy