Nawindang si Gretchen Ho sa kantang alay ni Lyca kay Karen Davila.
| Composite photos of Gretchen Ho and Lyca Gairanod |
Nawindang ang TV host at dating professional volleyball player na si Gretchen Ho sa awitin na inalay ng singer na si Lyca Gairanod para sa veteran journalist na si Karen Davila.
Si Lyca at si Karen ay magka-birthday. Parehong November 21 ang kapanganakan nila.
Noong Sabado, November 20 o isang araw bago ang kanilang kaarawan, ay nagsagawa ang dalawa ng joint birthday charity project upang i-share sa mga kapuspalad ang blessings na natatanggap nila.
Ayon sa kanila, ang selebrasyon ng kanilang kaarawan ngayong taon ay hindi para sa kanila kundi para sa ibang tao.
”So for this birthday, I didn't want to be about me and Lyca. But we wanted it to be about other people. May pandemya po tayo ngayon and what we wanted to do was help people and give them gifts. So guys, I do hope you'll love our birthday celebration. Dahil ito po, para sa inyo sa Tanza, Cavite," sabi ng beteranang journalist.
| Image from Karen Davila's Instagram account |
Sinegundahan naman ito ng singer na nag-disisyete anyos na.
“Hindi lang po para sa amin itong special day natin, para rin ito sa mga tao na... kailangan din natin bigyan ‘yung nangangailangan," aniya.
Katuwang nila si Gretchen Ho sa birthday charity project kung saan nakapagpamahagi sila ng mga bisikleta at loading business package na may kasamang smartphones sa mga masuwerteng residente sa bayan na kinalakhan ni Lyca.
| Image from Karen Davila's Instagram account |
At dahil mahusay na mang-aawit ay nahilingan si Lyca na mag-alay isang kanta para sa ka-birthday niyang si Karen Davila.
Tinanong ni Karen si Lyca kung ano ang kakantahin nito.
“Yung song ko po ay nag-trending dun sa Wish (bus),” sagot ni Lyca.
| Screenshot from Gretchen Ho's video |
Ikinawindang nga ni Gretchen Ho ang napiling kanta ng singer - ang “Kabilang Buhay” - isang magandang love song na batay sa lyrics nito ay pinatutungkulan ang isang minamahal na namayapa na.
Ipinagpasalamat naman niya na naging kabahagi siya ng charity project ng dalawa.
Samantala, ibinahagi naman ni Karen Davila ang selebrasyon sa kanyang YouTube channel:
COMMENTS