“Ang Haring Ibon ay isang beses lang kung umibig. Loyal na, totoong may ‘forever’ pa,” ayon sa post ng Denr Cenro Calaca.
“Ang Haring Ibon ay isang beses lang kung umibig. Loyal na, totoong may ‘forever’ pa,” ayon sa post ng Denr Cenro Calaca.
Sa simula pa lamang ay talaga naman pinaghihirapan na agad ng ibong ito ang panliligaw sa kanyang napupusuan.
“Upang mapansin ng nililigawan, gagawa siya ng pugad at araw-araw siyang magdadala ng dahon at maliliit na sanga bilang regalo. Sa ganitong paraan ay ipinapakita ng lalaki ang kakayahan niya na maging isang mabuting ama,” saad pa ng nasabing post.
“Dapat ay consistent sa panliligaw upang matanggap at magustuhan siya ng nililigawan niya. At ang lalaki ay naghahanap ng pagkain para sa kanyang nililigawan at saka lamang siya kakain kapag nabusog na ito,” dagdag pa nito.
Aba’y katulad pala ng mga lalaking Philippine eagle ang mga binata sa Pilipinas na matiyaga pa ring nanliligaw katulad ng kanilang mga lolo at lalaking ninuno!
E, kumusta naman kaya ang mga dalagang agila?
Ayon din sa Denr Cenro Calaca, tumutugon daw ang mga babaeng nililigawan sa pamamagitan ng pagtulong nito sa lalaki sa paggawa ng pugad.
“Kung hindi ito tumulong, ibig sabihin ay hindi nakuha ng manliligaw nito ang kanyang interes,” wika nito.
At kapag nagkatuluyan na, hinding-hindi na raw mapaghihiwalay pa. Ayon sa Culture Trip, “The Philippine eagle is reportedly very loyal. Once paired to a partner, they choose to remain as a couple for the rest of their lives.”
COMMENTS