Nag-resign si Harry Roqur bilang spokespersonn g Pangulo at IATF upang tumakbong senador.
Nagbitiw na si Harry Roque bilang tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases upang tumakbo sa pagka-senador.
Sa isang press briefing sa Malacañang, sinabi niya na iyon na ang huling araw niya bilang spokesperson.
“Ito na po ang huling araw na makakasama ninyo ako bilang inyong presidential spox, IATF spox at spox ng bayan. Masaya akong mission accomplished na po tayo ha. Iiwan ko ang trabaho nang mas mabuti kumpara sa ating nadatnan,” pahayag niya sa kanyang huling press briefing bilang tagapagsalita.
Sabi pa niya ay babalik na siya sa larangan ng pulitika.
| Image from PTV |
“Babalik po tayo sa larangan ng pulitika, babalik po tayo sa Kongreso ng Pilipinas, doon po sa Kamara ng Senado. Nagpaalam na tayo kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte at kay Mayor Sara Duterte para sa panibagong hamon na aking haharapin na mula sa inyong pagiging spox ay nais ko pong maging action man sa Senado,” aniya.
Ilang oras matapos niyon ay natungo siya sa Commission on Elections (Comelec) para ihain ang certificate of candidacy niya para sa pagka-senador. Kasama niya ang asawang si Mylah.
Si Roque ay substitute candidate ni Paolo Martelino ng People’s Reform Party (PRP), na nag-withdraw ng kanyang kandidatura sa huling araw ng withdrawal at substitution ng mga kandidato na pinapayagan ng Comelec.
| Paolo Martelino's Statement of Withdrawal |
Ang PRP ay ang political party ni dating senador na si Miriam Defensor-Santiago.
“Naghain po tayo ngayon ng ating COC para sa posisyon ng senador sa ilalim po ng partido ng dating senador Miriam Defensor-Santiago - ang People’s Reform party,” pahayag ni Roque.,”
Suportado naman si Davao City Mayor at vice presidential candidate Sara Duterte-Carpio ang kandidatura ni Roque.
“Si Harry Roque, ang ating Palace spokesperson, ay magiging Senate action man. Ibigay natin ang todo at buong suporta natin para sa kaniyang kandidatura para sa Senado. We will see you in the Senate Senator Harry Roque,” pahayag ng alkalde.
| Image from PTV |
Nilinaw ni Roque na hindi ang pagkabigo niyang makasungkit ng puwesto sa International Law Commission ang nag-udyok sa kanyang kandidatura.
Paliwanag niya, nakaangkla ang kanyang kandidatura sa binitiwan niyang pangako na tatakbo siyang senador kapag tumakbo sa isang national position si Mayor Sara.
COMMENTS