Nagpaliwanag ang producer ng upcoming concert ng Ex-Battalion kung bakit may kamahalan ang presyo ng kanilang VIP tickets
Ang Ex-Battalion
ay nakatakdang magtanghal ng kanilang first major concert na may titulong “Evoluxion:
The Ex-Battalion Digital Concert” sa darating na Disyembre 11 sa Araneta
Coliseum. Ito ay mapapanood din nang live via ktx.ph dakong alas-8 nang gabi sa araw ding iyon.
| Imahe mula sa Facebook page ng EXB |
Paliwanag ni RS Francisco,
isa sa producers ng concert kasama ang kaniyang Frontrow co-founder na si Sam
Verzosa, mayroong special promo package ang dalawang VIP tickets kaya ganun ang
presyo nito.
“I was the one who actually open the idea of having VIP tickets. Of course, as we know these boys have millions of fans and kunwari ako fan nila, baka mabitin ako sa concert lang,” ani Francisco sa panayam ng Bandera.
| Screenshot mula sa You Tube video |
Para naman sa
P35,000 na ticket, kabilang naman sa package ang lahat ng benefits ng P20K na
ticket at may karagdagang exclusive access pa sa Listening Party (na may kasamang
cocktails) upang mapakinggan ang never-before-heard o unreleased na kanta ng Ex-Battalion
na gaganapin pagkatapos ng exclusive dinner.
Ito ay bukod pa sa pagkakaroon ng access sa online concert para sa lahat ng bumili ng VIP tickets.
| Imahe mula sa Facebook page ng EXB |
Ayon pa kay Francisco,
maaari daw kasing mabitin ang mga fans ng grupo sa simpleng 'hi' at 'hello' lamang at
nais makarinig ng kuwento mula mismo sa kanilang mga hinahangaang idolo. Ito
rin umano ang dahilan kaya nag-arrange sila ng exclusive dinner para sa mga VIP
tickets.
“I’ve scheduled
a dinner not just in any restaurant, a dinner in Manila Hotel plated dinner
where in they can meet and greet and literally have photos with them, chat with
them, get to know them, ask them questions live face to face,” wika ni
Francisco.
Ang Ex-Battalion
ang grupong nagpasikat ng mga kantang ‘Kakaiba’, ‘No Games’, ‘Tell Me’, ‘Hayaan
Mo Sila’ at marami pang iba.
COMMENTS