Nagkagulo ang mga commuters na bumabaybay sa isang freeway sa California matapos maglaglagan ang pera mula sa isang armored truck nitong Biyernes.
Nagkagulo ang mga commuters na bumabaybay sa isang freeway sa California matapos maglaglagan ang pera mula sa isang armored truck nitong Biyernes nang umaga, Nobyembre 20.
Batay sa mga
lumabas na ulat ng insidente, biglang bumukas ang pinto ng nabanggit na truck
dakong alas-9 nang umaga sa kahabaan ng Interstate 5 malapit sa Carlsbad at
lumipad ang mga papel na pera mula dito.
Kaagad namang naghintuan ang mga motorista upang mamulot ng nahulog na dollars kaya naging sanhi ito ng matinding trapik.
| Screenshot mula sa Instagram video |
Makikita sa mga
lumabas na video sa Instagram at You Tube na hindi magkamayaw ang mga tuwang-tuwang
commuters at kaniya-kaniyang dampot ng pera na nagkalat na sa highway.
Sinubukan pa umanong pulutin ng driver ng armored van ang nagkalat na pera subalit hindi niya mapigilan ang mga tao kaya wala rin siyang nagawa kung hindi pabayaan na lamang ang mga ito.
| Screenshot mula sa Instagram video |
Kaagad namang
dumating sa lugar ng pangyayari bandang alas-10 ang mga awtoridad mula sa California
Highway Patrol (CHP) upang pigilan ang mga tao at makontrol ang sitwasyon.
Nakiusap rin ang
mga ito sa mga taong namulot na ibalik ang perang nakuha dahil pag-aari ito ng
isang bangko at maaari silang masampahan ng reklamo.
“If you stop to pick up money, as many people as videoed the scene (did), you can possibly be facing charges,” babala ni CHP Officer Jim Bettencourt.
| Screenshot mula sa Instagram video |
Ang truck ay nagmula
sa Sectran Security, Inc. at naniniwala ang mga awtoridad na hindi sinasadya ng
driver nito ang nangyari.
Samantala, ibinahagi kinalaunan ng CHP na marami na rin sa mga nakapulot ang lumantad at nagsauli ng perang nalaglag.
| Screenshot mula sa Instagram video |
“It’s better for
them to do the honesty policy than to wait for us to track them down and knock
on their door,” ani CHP Sgt. Curtis Martin sa isang press conference.
Kaugnay dito, may dalawang katao na umanong kinuwestiyon ng awtoridad matapos nitong magsisali sa kaguluhan at nabigong makabalik sa kanilang sasakyan, dahilan para maharangan ang daraanan at naging sanhi ng trapik.
COMMENTS