Naglabas ang BSP ng tatlong commemorative coins upang gunitain ang taon ng kapanganakan ng tatlong bayani.
Naglabas ang Bangko Sentral Pilipinas (BSP) ng tatlong commemorative coins upang gunitain ang taon ng kapanganakan ng tatlong personalidad na nakilala sa makulay na kasaysayan ng Pilipinas.
Ayon sa post ng
Facebook page ng BSP nitong Martes, ika-16 ng Nobyembre, ang mga nabanggit na P100
commemorative coins ay itinampok ang mga bayaning sina Teresa Magbanua, Mariano
Ponce at Emilio Aguinaldo.
Ibinenta ito sa online store ng BSP sa halagang P350 bawat isa subalit kaagad umanong naubos dahil na rin sa malakas na demand nito.
| Imahe mula sa Facebook ng BSP |
“The latest
commemorative coins issued by the BSP feature Filipino heroes Teresa Magbanua,
Mariano Ponce, and General Emilio Aguinaldo. These 100-Piso coins were sold
online through the BSP Store at Php350.00 each but were immediately sold out
due to high demand,” ayon sa pahayag ng BSP.
Mahigit sa triple
ang presyo ng nasabing commemorative coins kumpara sa tunay na halaga nito dahil na
rin sa limitadong produksiyon at minted ito ng mga mamamahaling metal tulad ng
ginto at pilak.
“These make the coins special, attracting great interest from numismatists and the public,” wika ng BSP.
| Screenshot mula sa Facebook post ng BSP |
Nilinaw din ng
BSP na ang mga commemorative coins na inilalabas ng BSP ay nananatiling legal
tender maliban na lamang kapag i-demonitize na ito ng ahensiya.
Si Teresa Magbanua
ay isang matapang na guro na kasapi ng Katipunan na nakipaglaban sa mga mananakop
na Kastila at Amerikano at tinaguriang “Joan of Arc ng Visayas”.
| Imahe mula sa Facebook ng BSP |
Si Mariano Ponce
ay isa sa mga bumuo ng grupong ‘La Solidaridad’ kabilang sa tinaguriang ‘Propagandista’
sa Madrid kasama sina Marcelo H. del Pilar, Graciano López Jaena at si José
Rizal.
Si Emilio
Aguinaldo naman ang itinuturing na pinakaunang pangulo ng Republika ng Pilipinas
at kabilang sa mga nakipaglaban noon sa mga Kastila at Amerikano.
COMMENTS