Kumpirmadong may relasyon nga ang kapwa-beterano sa showbiz na sina Edu Manzano at Cherry Pie Picache.
Mismong si Edu
ang umamin sa text conversation nila ni News5 broadcast-journalist Cheryl Cosim
kung saan ipinakita ng huli ang kanilang naging usapan ng aktor sa programang “OneBalita Pilipinas” noong nakaraang Biyernes.
Ito ay matapos tanungin ni Cheryl si Edu kung totoo ba ang usap-usapan na sila na nga ni Cherry Pie base sa lumabas na news script.
| Screenshot mula sa Instagram/ Cherry Pie Picache |
“How true?” tanong ng broadcaster.
“You’re the
funniest! Yes, my dear,” sagot naman ni Edu. Muli niya itong kinumpirma sa
pangalawang pagkakataon matapos tanungin ulit ni Cheryl kung may relasyon na nga
ba talaga siya sa premyadong aktres.
Lumabas ang
bulung-bulungan matapos mag-post ni Cherry Pie sa kaniyang Instagram ng ilang
larawan na kasama niya si Edu at ilang kaibigan.
Noong nakaraang Setyembre ay binati rin ng aktres ang dating mister ni Vilma Santos at ni Maricel Soriano.
| Screenshot mula sa Instagram/ Cherry Pie Picache |
“You are blessed
and graced with an amazing life with all that it has to offer, and you’ve lived
and continuously living it with so much gratefulness, charisma, generosity,
kindness, positivity and laughter….to more wonderful years that are yet to come
!!!” anang mensahe ni Cherry Pie.
“Happy happy birthday good looking @realedumanzano!!! God’s abundant and brightest blessings of good health, joy and love!!! Cheers!!” dagdag pa nito.
| Screenshot mula sa Instagram/ Cherry Pie Picache |
Magkasama ngayon
ang dalawa sa teleseryeng “Marry Me, Marry You” ng ABS-CBN kung saan gumaganap
sila bilang estranged couple na magulang ng karakter na ginagampanan ni Paulo
Avelino.
Taong 2006 pa hiwalay
si Cherry Pie sa kaniyang dating partner na si Gary Tria, samantalang dati
namang nakarelasyon ni Edu ang non-showbiz ex-girlfriend niyang si Iryne Garcia.
COMMENTS