Hindi pa rin naglalabas ng pahayag ang kampo ni Enchong Dee ilang araw matapos lumabas ang balitang sinampahan siya ng kasong libel
Magugunitang may
kinalaman ang kasong isinampa ni Lim sa diumano’y malisyosong post ng Kapamilya
actor hinggil sa engrandeng kasal ng kongresista sa negosyanteng si Jose French
“Tracker” Lim na ginanap sa Balesin Island Club noong Agosto.
| Imahe mula sa Facebook ni Enchong Dee |
Bagama’t humingi
na ng paumanhin si Dee kay Lim sa pamamagitan ng isang tweet, hindi ito naging
sapat para sa mambabatas at kaniyang mister para hindi ituloy ang kaso.
“While I would
have preferred to be silent about this matter, my husband, like any good and
loving family man, took it upon himself to seek redress from the legal system,
to protect me and our family from baseless and damaging claims made against us,”
ayon sa pahayag ni Lim.
| Screenshot mula sa Twitter |
Samantala,
hanggang nitong Miyerkules, Nobyembre 17, nanatiling tikom pa rin ang bibig ng actor na
karaniwang madalas mag-post ng kaniyang komento, reaksiyon at saloobin sa
social media.
Kaya nagtataka ang mga tagahanga ni Enchong Dee kung ano ang plano ngayon ng kanilang idolo.
| Imahe mula sa Facebook ni Rep. Bautista-Lim |
Ayon naman sa
ulat ng Bandera, mukhang pinagbawalan muna umano si Dee ng kaniyang kampo na
maglabas ng pahayag hinggil sa kaso habang pinag-aaralan pa ang kanilang
susunod na hakbang.
Noong isang araw
ay napaulat rin na nakansela ang isang press conference na dadaluhan sana ni
Dee noong Lunes, Nobyembre 15. Sa kabila nito, wala naman daw kinalaman ang
kaso sa pagkakansela ng naturang presscon.
| Imahe mula sa Facebook ni Rep. Bautista-Lim |
BASAHIN: Enchong Dee inireklamo ng kongresista; danyos na hinihingi P1 billion
COMMENTS