Hindi isinasantabi ng Department of Health (DOH) ang pagbabalik sa paggamit ng face shield bilang karagdagang proteksiyon laban sa COVID-19.
Hindi isinasantabi ng Department of Health (DOH) ang pagbabalik sa paggamit ng face shield bilang karagdagang proteksiyon laban sa COVID-19 dahil na rin umano sa banta ng bagong Omicron variant ng virus.
Nauna nang
tinanggal ng IATF at DOH ang mandatory face shield sa mga lugar na nasa ilalim
ng mababang alert level ilang linggo pa lang ang nakararaan.
Subalit sa virtual presscon ng IATF nitong Linggoi, Nobyembre 28, inamin ni IATF chief at vaccine czar Secretary Carlito Galvez na pinag-aaralan na ng DOH na muling ibalik ang pagsusuot ng face shield dahil sa banta ng Omicron variant.
| Sec. Galvez| Imahe mula sa Facebook |
“We will look at
the possibility. ‘Yan nga inaano ni Secretary Duque. He is pro na maibalik
‘yung any protections na pwede natin gamitin,” ani Galvez.
Base na rin
umano ito sa naging obserbasyon ng ilang kinatawan ng World Health Organization
(WHO) kung saan maganda ang naging resulta ng pagsusuot ng face shield sa
Pilipinas kontra Delta variant.
“Kasi some people from WHO (World Health Organization) also believed na kaya nagkaroon tayo ng magandang result dito sa Delta as compared to others is because of also the added protection of face shield,” wika ng kalihim.
| Imahe mula sa The New York Times |
Ang Omicron variant ay unang nadiskubre sa South Africa at itinuturing na ngayong ‘variant
of concern’ ng WHO.
Napaulat rin na mayroon nang mga kaso ng naturang variant sa ilang bansa tulad ng Hong Kong, Botswana, Belgium, Israel at Australia. Ito rin ang pinaniniwalaang nasa likod ng panibagong wave ng COVID infection sa London nitong nagdaang mga araw bagama’t wala pa itong sapat na batayan.
| Imahe mula sa CTV News |
Kaugnay nito,
nagpatupad na muli ng mas malawak na travel ban ang Pilipinas at simula nitong
Sabado, Nobyembre 27, ay hindi pinapayagang makapasok sa bansa ang mga biyaherong
magmumula sa South Africa, Botswana, Namibia, Zimbabwe, Lesotho, Eswatini, at
Mozambique.
COMMENTS