Mayroon umanong ipinatatayong 7-star hotel ang sikat na si Willie Revillame ayon kay Cristy Fermin
Mayroon umanong ipinatatayong 7-star hotel ang sikat na comedian-host na si Willie Revillame; ito ay ayon sa ibinulgar ni Cristy Fermin sa programang “Cristy Ferminute” kamakailan lamang ayon sa ulat ng Bandera.
Sa kuwentuhan nina Cristy at kaniyang co-host na si Romel Chika, ibinahagi ng showbiz journalist na kapag nakakausap niya si Willie ay makikitang kumpletong-kumpleto na ang buhay nito at pinaglalaanan talaga ng oras ang kaniyang mga anak at apo.
| Screenshot mula sa You Tube |
Madalas din
umano ang biyaheng out-of-town ng ‘Wowowin’ host at ito ay upang bisitahin ang
kaniyang mga ipinagagawang villas sa Tagaytay City at resort sa Mindoro.
“Nakalilipad na
siya anumang oras sa mga ipinagagawa niyang villas sa Iruhin, Tagaytay at sa
Mindoro sa ipinagagawa niyang 7-star hotel,” paglalahad ni Nanay Cristy.
Sa katunayan daw, nais gayahin ni Kuya Wil ang Burj Al-Arab sa Dubai na nakatayo sa dagat. Ang Burj-Al-Arab ay isa sa dalawa lamang na hotel na binigyan ng 7-star rating; bagama’t wala naman talagang 7-star hotel na maituturing.
| Screenshot mula sa You Tube |
“Sa gitna ng
dagat, parang Burj Al Arab sa Dubai. Sobrang hands on si Willie, natutukan na
niya ngayon kapag may mga nakita siyang tiles (hindi bagay), ipababago
ipatutungkab ganu’n siya kabusisi bilang may-ari ng mga ipinagagawa niyang
proyekto,” kuwento pa ng entertainment writer.
Bukod dito,
magaganda rin daw ang mga ipinagagawang villas ni Willie sa Iruhin at sa katunayan
ay marami na ang nagtatanong kung kailan ito maaaring tirahan.
Hindi rin maiwasang maikuwento ni Cristy ang ‘humble beginning’ ni Willie simula nang ito ay kumikita pa lamang ng ‘piso-piso’ bilang drummer ng isang banda at bilang sidekick sa pelikula ng mga sikat na bida tulad ni Philip Salvador.
| Screenshot mula sa You Tube |
“Di rin
napigilang humanga ng showbiz columnist at host sa pagiging magaling sa pera ni
Kuya Wil at sa pagiging bukas-palad nito sa mga nangangailangan ng tulong.
Aniya pa, marami
ang natuwa nang hindi na tumuloy ang komedyante sa pagkandidato bilang senador dahil
kapag nawala ito sa kaniyang programa ay maraming kababayan natin ang
maaapektuhan.
COMMENTS