May binitiwang ‘pangako’ si Mayor Vico sa kaniyang mga nasasakupan at inaasahang 'sisingilin' siya ng mga ito pagdating ng takdang panahon.
Sa kaniyang
maikling talumpati habang binibisita ang Barangay Rosario, hindi nakatiis ang
ilang kababaihan nang makita si Mayor Vico kaya napasigaw ang mga ito ng ‘Mayor,
pa-kiss’.
Dahil dito, pabirong humingi ng paumanhin ang batang alkalde sa kaniyang mga constituents dahil hindi umano niya ito mapagbibigyan sa ngayon.
| Screenshot mula sa Twitter video/ Kat Domingo |
"Pasensya
na po, bawal pa ang kiss. Ipagdasal po natin na matapos na ang pandemya na
ito," paliwanag ni Mayor Vico batay sa Twitter video ni Kat Domingo ng
ABS-CBN News.
Subalit nag-iwan naman ng ‘pangako’ ang 32-anyos na alkalde na lalong ikinakilig ng
kaniyang mga tagahanga.
Aniya, hindi siya mahilig mangako kahit pa noong nangangampanya sila para sa 2016 at 2019 elections.
| Screensahot mula sa Twitter/ Kat Domingo |
“Pero pangako ko
po sa inyo, pagkatapos ng pandemya, kahit mag-kiss po tayo puwedeng-puwede,"
pagtitiyak nito.
Lalong nagtilian
ang mga kababaihan nang marinig ang pangako ng alkalde, bagama’t alam nilang
biro at katuwaan lamang ito.
Maririnig ang
ilan na naghiyawan at mayroon pang nagsabi ng “Una na ako.”
“Iuuwi na kita,” dagdag naman ng isa pa.
| Imahe mula sa GMA News |
Kilala si Mayor
Vico, na mula sa angkan ng mga taga-showbiz industry, na minsan ay idinadaan sa
biro ang kaniyang hirit sa kaniyang mga nasasakupan. Dahil dito, lalo siyang
napamahal sa kaniyang mga constituents sa Pasig City at maging sa mga netizens sa social media.
Muli naman siyang sasabak sa susunod na halalan at batay sa mga surveys ay malaki ang kaniyang tsansang muling makaupo bilang alkalde ng lungsod sa ikalawang pagkakataon.
COMMENTS