Tila tuloy pa rin ang intriga kay Kuya Kim matapos itong lumipat ng bakuran mula ABS-CBN patungong GMA 7.
Tila tuloy pa rin ang intriga kay Kuya Kim Atienza matapos itong lumipat ng bakuran mula ABS-CBN patungong GMA 7 noong nakaraang buwan.
Naging laman ng
balita ng dating ‘It’s Showtime’ host matapos ang kaniyang komento sa post ni
Camille Prats hinggil sa bagong directorial job ng kapatid ng huli na si John
Prats. Marami kasi ang nagsabing parinig daw ito sa ‘It’s Showtime’ bagama’t
itinanggi na ito ni Kuya Kim.
BASAHIN: Kuya Kim hindi 'nagparinig' sa ‘It’s Showtime’: “Will never say anything bad about them”
Subalit hindi dito natapos ang intriga dahil sa naging hirit ni Ogie Diaz sa kaniyang “Ogie Diaz Showbiz Update” kung saan napag-usapan nila ng mga co-hosts na sina Mama Loi at Dyosa Pockoh ang paglipat ni Kuya Kim sa kabilang istasyon.
| Imahe mula sa Facebook| Ogie Diaz |
Hango ito sa comment ng isang netizen na binasa ni Ogie sa kanilang vlog.
“Kuya Kim, kung
ako sa ‘yo, since nagba-viral ka sa kaka-post mo, tulungan mo na lang ang tatay
mo na manalo sa vice president,” ayon sa comment na binasa ng talent manager.
Sinang-ayunan
naman ito ni Ogie Diaz at sinabing, “Pero kung tutuusin, may point. Dapat
talaga tinutulungan na lang ni Kuya Kim. I-post niya yung daddy niya.”
Ang tinutukoy ni
Ogie ay ang tatay ni Kuya Kim na si Rep. Lito Atienza na ngayon ay
kumakandidato sa pagka-bise kasama ni Manny Pacquiao.
Kuya Kim
sinagot si Ogie
Hindi naman ito pinalampas ng dating TV Patrol weather newscaster at idinaan sa Twitter ang kaniyang sagot.
| Screenshot mula sa Twitter |
“Kumusta ka na?
Congrats sa Youtube mo, very successful!” bungad ni Kuya Kim sa kaniyang post.
“Kahit gusto
kong tulungan ang Dad ko at kahit sinong kandidatong gusto ko, binabawal ng @gmanews
ang any political activity such as
campaigning lalo na sa kamag anak. Be well dear @ogiediaz,” patuloy nito.
Ganunpaman, may mga netizen na nagtanggol kay Ogie Diaz dahil binasa lang naman umano nito ang komento sa kanilang vlog.
| Screenshot mula sa Twitter |
Sumagot din at
nilinaw ng talent manager ang kaniyang sinabi. Anito sa kaniyang Twitter: “Sabi
yan ng isang netizen, kuya kim. I just verbalized it. I know sa news talaga,
bawal ang kampanya. Ingat ka din.”
COMMENTS