Hinirang ng People’s Magazine ang comedian-actor na si Paul Rudd bilang ‘Sexiest Man Alive’ para sa taong 2021.
Hinirang ng People’s Magazine ang comedian-actor na si Paul Rudd bilang ‘Se
Ayon sa panayam
ng People’s kay Rudd, mistulang nasurpresa mismo ang 52-anyos na Hollywood actor
nang malamang siya ang napili bilang ‘sexiest man’ ng magazine para sa taong
ito.
"I do have an awareness, enough to know that when people hear that I'd be picked for this, they would say, 'What?' " kuwento ni Paul Rudd sa cover story ng People’s Magazine nitong linggo.
| Imahe mula sa People's Magazine |
“This is not
false humility. There are so many people that should get this before me,"
dagdag pa nito.
Si Rudd ay
kilala sa mga kuwelang role sa ilang pelikula tulad ng ‘Clueless’ kung saan nakasama
niya si Alicia Silverstone, ‘The 40-Year-Old Virgin’ kasama si Steve Carell, ‘Role
Models’ kasama si Sean William Scott, at marami pang iba.
Lumabas din siya sa hit sitcom na ‘Friends’ bilang si Mike Hannigan na naging love interest ni Phoebe Buffay na ginampanan ni Lisa Kudrow.
| Imahe mula sa Pop Sugar |
Subalit maaaring
ang mas tumatak sa mga manonood ay ang pagganap niya bilang si Scott Lang, ang
alter ego ni Ant Man sa pelikulang ‘Ant Man’ (2015) ng Marvel Cinematic Universe
(MCU).
Muli niyang
ginampanan ang naturang papel sa sequel na ‘Ant Man and the Wasp’ (2018) at sa
MCU blockbusters na ‘Captain America: Civil War’ (2016) at ‘Avengers: Endgame’
(2019).
Bagama’t umangat
na siya sa leading man superstardom sa Hollywood, iginiit ni Rudd na mas masaya
pa rin siya kapiling ang kaniyang misis na si Julie, at kanilang dalawang anak
na sina Jack at Darby.
"When I think about myself, I think of myself as a husband and a father, like I'm that. I just hang out with my family when I'm not working. That's what I kind of like the most," pagtatapat ng actor.
| Imahe mula sa Screen Rant |
Inamin rin ni
Rudd na ‘excited’ na rin siyang maimbitahan sa mga ‘sexy dinners’ kasama ang
mga dating nahirang na ‘sexiest man alive’ ng People’s Magazine.
“I'm hoping now
that I'll finally be invited to some of those sexy dinners with Clooney and
Pitt and B Jordan," pagbibiro nito.
Maliban kina George Clooney, Brad Pitt at Michael B. Jordan, naibigay na rin ng People’s Magazine ang nasabing titulo sa mga kapwa niya MCU stars na sina Chris Hemsworth (2014) at Bradley Cooper (2011).
COMMENTS