May magandang balita ang SSS para sa mga miyembro nitong mayroong short-term loans at nagkaroon ng kasalukuyang interest at penaties.
May magandang balita ang SSS para sa mga miyembro nitong mayroong short-term loans at nagkaroon ng kasalukuyang interest at penaties dahil sa hindi pagbabayad.
Noong nakaraang
araw ay inilunsad ng ahensiya ang programa nitong Pandemic Relief and Restructuring Programs 5 (PRRP 5) Short-Term Loan Restructuring and Penalty Condonation Program para makatulong sa mga nahihirapang miyembro at namomroblema
sa lumalaking multa at interes.
Nagsimula ang naturang programa noong Nobyembre 15 at magtatagal ito hanggang Pebrero 14 sa susunod na taon kaya hinihikayat ng SSS ang lahat ng problemadong miyembro na huwag palampasin ang pagkakataong ito.
| Imahe mula sa Facebook/SSS |
Sakop ng PRRP 5
ang lahat ng member-borrowers na hindi nakapagbayad ng short-term loan nang
hindi bababa ng anim (6) na buwan simula nang inilunsad ang programa.
Kabilang sa itinuturing na short-term loan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan at restructure loans sa ilalim ng Loan Restructuring Program (LRP) na ipinatupad noong 2016 hanggan 2019.
| Imahe mula sa Facebook/SSS |
Para ma-avail
ang PRRP 5, ang mga member-borrowers dapat ay may edad na mas mababa sa 65
taong gulang sa katapusan ng installment term.
Kailangan din na
hindi pa nabigyan ng final benefit gaya ng Permanent Total Disability o Retirement,
at hindi pa na-disqualify dahil sa fraud laban sa SSS.
| Imahe mula sa Facebook/SSS |
Maaari ring mamili
ang mga member-borrowers kung nais nilang mag-payment terms gaya ng one-time
payment o installment payment.
Paliwanag ng SSS, ang 100% ng hindi nabayarang consolidated penalty ng loan ay hindi na sisingilin kapag nabayaran ang consolidated loan sa loob ng approved payment period sa ilalim ng one time payment.
| Imahe mula sa Facebook/SSS |
Sa ilalim naman
ng installment payment, 50% ng consolidated penalty ay hindi na sisingilin
kapag nabayaran ang 50% na down payment sa loob ng approved payment period. Ang
nalalabing 50% ay hindi na rin sisingilin kapag nabayaran nang buo ang RL1 sa
loob ng approved terms and condition.
Para sa
karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang Facebook page ng SSS kung saan
ibinahagi ang buong kondisyon ng PRRP 5.
COMMENTS