Nakatakda nang ilunsad ng PLDT ang pinakabago nitong internet service – ang fiber optic na mayroong bilis na 10,000 Mbps
Kapag nagkataon,
ito ang magiging kauna-unahan at maaaring pinakamabilis na broadband band
service sa bansa.
Sisimulang ilunsad ng kompanya ni Manny V. Pangilinan (MVP) ang naturang service sa Metro Manila ngayong darating na Disyembre. Palalawakin ito sa mga susunod na buwan sa iba pang malalaking lungsod sa labas ng Metro Manila gaya ng Davao City at Cebu City.
| Screenshot mula sa PLDT Facebook |
Ayon kay Jeremiah
De La Cruz, company senior advisor for home business ng PLDT Home, maikukumpara
na ang internet service ng PLDT sa ultra-fast network sa mayayamang bansa tulad
ng South Korea, Japan, Sweden, Norway, Italy, New Zealand, at Estados Unidos.
Sa isang pahayag, sinabi naman ni PLDT president at CEO Alfredo Panlilio, ginagawa nila ito para sa lahat ng kanilang mga customers tulad ng mga “business owners, professionals, tech mavericks with very large homes, multiple high-bandwidth users with multiple screens.”
| Screenshot mula sa Facebook video/ PLDT |
“And with all
that life requires of them, they need the fastest home broadband powered by the
fastest network. And we are more than ready to give them what they need – all
10,000 of it,” ani Panlilio.
Ang paglulunsad
ng 10,000 Mbps na fiber-optic service ay ang katuparan umano ng kanilang
isang-taong network expansion program nitong 2021.
Bilang paglalarawan ng 10,000 Mbps internet service, paliwanag ni De la Cruz, “Imagine connecting to the internet more than 70 smartphone devices that have bandwidth intensive applications such as 8K ultra high definition television.”
| Screenshot mula sa Facebook video/PLDT |
Ang nasabing bagong
produkto ay may bundle nang “WiFi 6 Mesh System” na may garantisadong ‘ultra-fast
WiFi speed’ na kayang i-cover ang lawak na 550 square meters.
Ito ay mayroong 8,000
Mbps average speed, at 3,000 Mbps minimum at 80% reliability.
Tumanggi naman munang ibahagi ni De la Cruz kung magkano ang magiging presyo ng 10,000 Mbps subalit tiniyak nito na iaanunsiyo nila ito sa susunod na buwan.
“We’d rather not disclose it just as yet, it’s something that even our competitors should look forward to,” paliwanag ni De la Cruz.
COMMENTS