Hindi napigilan ni DOTr Sec. Arthur Tugade na mapamura nang may nambato tren ng MRT-3 nitong Linggo.
Hindi napigilan ni Department of Transportation (DOTr) Sec. Arthur Tugade na map
Bukod kasi sa
nabasag ang salamin ng bintana kung saan lumusot ang bato, nasaktan din ang
isang pasaherong nakasakay sa tren.
“Sana mahuli itong t**r@Nt@d0** gumawa nito!” anang kalihim sa kaniyang Facebook post.
| Screenshot mula sa Facebook/ Sec. Art Tugade |
Nangyari umano ang
insidente dakong alas-6:50 nang umaga habang bumibiyahe ang nasabing tren
papuntang Magallanes Station.
“‘Yung ganitong
g@g*ng tao ay dapat na nakukulong!!!” dagdag pa ni Tugade.
Kaagad namang nilapatan ng first aid ang tinamaang 51-anyos na lalaking pasahero bago ito isinugod sa San Juan De Dios Hospital upang gamutin.
| Imahe mula sa Facebook/ Sec. Art Tugade |
Kaugnay nito,
nahuli na umano ang scavenger na responsable sa pamamato habang nakatambay ito
sa isang construction site sa may Taft Avenue.
Tiniyak din ng
pamunuang ng MRT-3 na pananagutin nila sa batas ang nasabing scavenger.
“The MRT-3 Management assures the public that appropriate legal charges will be filed against those involved in the incident. Necessary steps will also be taken to prevent similar incidents from happening in the future,” ayon sa pahayag ng MRT-3.
| Imahe mula sa Facebook/ Sec. Art Tugade |
Hindi ito ang unang
insidente ng paninira sa tren ng MRT-3 ngayong taon.
Noong nakaraang Mayo, nilagyan ng graffiti ang isang tren habang nakahinto ito sa pagitan ng Taft at Magallanes station.
COMMENTS