Patok sa mga netizens ang ‘blind item’ na ibinahagi sa social media ng kontrobersiyal na negosyanteng si Xian Gaza.
Hindi man lehitimong showbiz writer, patok pa rin sa mga netizens ang 'blind item’ na ibinahagi sa social media ng kontrobersiyal na negosyanteng si Xian Gaza.
Ang 'pa-blind item' ni Gaza ay hinggil sa tunay na dahilan umano ng naging hiwalayan ng dalawang sikat na influencer, at dahil nga blind item ito ay hindi niya pinangalanan.
| Screenshot ng Facebook post ni Xian Gaza |
“SINETCH ITEY NA
ISANG SIKAT NA INFLUENCER ANG NA-CAUGHT IN THE ACT NG KANYANG NOBYA MATAPOS
MAG-NOTIFY SA NAIWANG IPAD ANG ISANG REAL-TIME GRAB BOOKING PAPUNTA SA ISANG
MALAKING HOTEL SA PARAÑAQUE?!,” bungad ni Xian sa kaniyang FB post.
“ANG KANYANG NOBYA AY AGAD-AGAD DUMIRETSO SA NASABING HOTEL... AT DAHIL VERY FAMOUS INFLUENCER COUPLE SILA SA ATING BANSA WITH OVER 10 MILLION FOLLOWERS, NAKA-SECURE NG KEY CARD SI NOBYA MATAPOS NIYANG CHIKA-CHIKAHIN ANG MGA TAO SA FRONT DESK,” patuloy nito.
| Imahe mula sa Facebook ni Xian Gaza |
Kuwento pa ni
Gaza, matapos pasukin ang kuwarto ay tumambad sa babae ang kaniyang nobyo na
mayroong kayakap na isang ‘Star Magic’ artist habang nasa kama.
Aniya, “AFTER
MAGPA-PICTURE SA KANYA NG MGA HOTEL STAFF, AGAD-AGAD SIYANG KUMARIPAS PAAKYAT
NG KWARTO AT PAGBUKAS NIYA NG PINTO EH LAKING GULAT NIYA NANG KANYANG MAKITA SA
KAMA ANG ISANG STAR MAGIC ARTIST NA KAYAKAP NG KANYANG JOWA!”
Kaagad namang nag-viral ang post ni Gaza sa Facebook at umani kaagad ito ng mahigit 62,000 reactions at mahigit 21,000 shares sa loob lamang ng halos 20 oras.
| Screenshot mula sa Facebook ni Xian Gaza |
Bagama’t
nahulaan naman ng karamihan ang tinutukoy ni Xian Gaza na sikat na influencer
couple, tila may ibig pa itong tukuyin sa kaniyang mga sumunod na makahulugang
mga posts na tungkol naman sa showbiz couple na sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga.
Aniya sa isang
post, “Good night po sa lahat except kay Barbie Imperial.”
Sinundan pa ito makaraan ang ilang oras ng “Just woke up. Magandang araw po sa lahat except kay Diego Loyzaga.”
| Screenshot mula sa Facebook post ni Xian Gaza |
Ayon naman sa
isang ulat ng Philstar, maaaring ang tinutukoy na influencer couple na naghiwalay
na kamakailan lamang ay sina Wil Dasovich at Alodia Gosiengfiao.
Sa isang maikling
Facebook post noong Linggo, Nobyembre 14, kinumpirma ni Alodia ang hiwalayan nila
ni Wil na matagal na umanong nangyari.
Hindi na rin nagbigay ng detalye si Alodia kung may third party involved sa kanilang break-up, habang si Wil naman ay hindi pa naglalabas ng pahayag tungkol dito.
COMMENTS