Mga deboto naliligo sa ilog na puno ng toxic foam dahil sa kanilang panampalataya.
Nababalutan ng mga bula at foam ang Yamuna River sa India habang naliligo roon ang mga deboto bilang ritwal sa unang araw ng Chhath Puja Festival.
Ang bula at foam ay hindi galing sa mga sabon na ipinampapaligo ng mga deboto kundi resulta ng mga industrial wastes, household wastes at iba pang mga dumi na itinatapon sa sagradong ilog.
Ayon sa mga eksperto, ang mga bula sa naturang ilog ay nagtataglay ng mataas na lebel ng ammonia at phosphates na magsasanhi ng sakit sa balat at paghinga.
Ang paglitaw ng mga bula at foam ay sumabay sa pagsisimula ng apat na araw na festival na handog para sa sun god na si Lord Surya, na nagsimula noong ika-8 ng Nobyembre at matatapos sa ika-11 ng buwan.
Sabi ni Gunjan Devi, isang deboto, wala silang choice kundi maligo sa ilog kahit na napakarumi niyon. Isa raw kasing ritwal ang paliligo sa ilog na kailangan nilang gawin.
“The water is extremely dirty but we don’t have many options. It is a ritual to take a bath in a water body so we have come here to bathe,” aniya.
May ilan naman na nagsabing hindi sila nababagabag sa paliligo sa maruming ilog dahil naniniwala sila kay Ganga, ang kinikila nilang goddess of purification and forgiveness.
Ginagawa ang ritwal ng paliligo sa unang araw ng festival.
Bago magsimula ang festival ay nag-deploy ang lokal na pamahalaan ng labinlimang bangka upang alisin ang mga bula at foam. Pero, ayon sa mga eksperto balewala lang iyon dahil malaking pinsala na ang naidulot ng mga toxic wastes sa ilog.
“The river in Delhi’s stretch is an ecologically dead river. It doesn’t have fish or fresh water birds. That has been the case for years now,” sabi ni Bhim Singh Rawt ng South Asia Networks on Dams, Rivers and People.
Ang suplay ng tubig sa mga pamayanan sa paligid ng ilog ay apektado dahil sa water pollution. Ang Yamuna River ang pinagkukunan nila ng tubig para sa irigasyon, paliligo at maiinom.
COMMENTS