Namitas ng 1 million si Mama Alawi bilang birthday surprise treat.
Sa kanyang YouTube channel, patuloy na naghahatid ng saya ang birthday vlog na ibinahagi ng maganda at masayahing aktres na si Ivana Alawi kaugnay sa birthday celebration ng kanyang ina na kung tawagin ay si Mama Alawi.
Dito ay ibinahagi niya ang masaya nilang pagtungo sa isang resort sa Tanauan, Batangas kasama ang dalawa niyang kapatid na sina Mona at Hashim at siyempre, ang kanilang pinakamamahal na ina na ang buhay ay kanilang ipinagpapasalamat.
Ibinahagi din niya ang surprise na 'pamimitas' nila sa vineyard ng resort na kanilang sinadya. Pamimitas ang naisip nilang gimmick dahil ito umano ang gustong laging gawin ng kanilang Mama Alawi -- the joy of harvesting, 'ika nga.
Sabi ni Ivana sa video, "Kung sino ang makararami ng pitas, 'yun ang winner."
Naisip nilang magkakapatid na maglagay ng mga tseke na may halagang Php100,000 bawat isa sa lugar ng ubasan. Labis labis ang excitement ni Mama Alawi matapos makuha ang unang surpresa sabay subo sa ilang grapes na pinitas din niya.
Masaya itong nagpalipat-lipat sa ubasan at ayun, nakapitas ng sampung piraso na tig-Php100,000 na tseke ang minamahal nilang ina na tuwang-tuwa sa naiibang pamimitas na ginawa.
Imahe mula sa YouTube channel ni Ivana Alawi
Matapos ang masayang pamimitas, nagtungo na sila sa isa pang bahagi ng resort upang mananghalian. Doon ay may sumalubong na masasarap na pagkain na may birthday decorations pa. May staff na nagsiawit at bumati rin sa dakilang nanay.
Nag-enjoy din ang Alawi team sa sa fishing at pag-jetski sa nasabing resort at makikita ang family bonding na hinahangaan sa pamilya Alawi sa video ni Ivana sa YouTube na masasabing viral na.
Bumuhos ang masayang komento sa video na ngayon ay malapit nang umabot sa 3 million views.
COMMENTS