May nanalo na ng P378.7 million jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58.
| Image from PCSO |
Tiyak na bongga ngayong Pasko ang noche buena na pagsasaluhan ng pamilya ng jackpot winner ng Ultra Lotto 6/58 na binola noong Biyernes, ika-26 ng Nobyembre.
Solo kasi nitong nasungkit ang P378, 750,791.20 jackpot prize. Maswerte niyang natayaan ang winning six-number combination na 20-17-12-29-10-46.
Kahit na ikaltas pa ang 20% tax sa premyo ay napakalaki pa rin ng matitira - tumataginting na P303, 000,632.96 (378,750,791.20-20%=303,000,632,96).
Ang 20% tax ay ipinapataw sa mga premyong mas mataas sa P10,000.
Sa laki ng napanalunang premyo, tiyak na araw- araw ay magiging Paskong lagi sa pamilya ng lucky bettor na ito na sa ngayon ay hindi pa kinokolekta ang pinangarap na lotto jackpot.
| image from Pexels |
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), 71 bettors naman ang nanalo ng P120,000 each sa nasabing bola ng Ultra Lotto 6/58. Nahulaan nila ang 5 out of 6 digits sa winning number combination.
Wala namang tumama sa bola ng MegaLotto 6/45 na ang lumabas na kumbinasyon ay 20-23-15-28-43-12. Ang total jackpot prize dito ay P47,588,952.00.
Hinihikayat ng PCSO ang publiko na patuloy na tangkilikin ang mga games nito dahil bukod sa malaki ang naiaambag ng kanilang operasyon sa kawanggawa, maraming Pinoy pa ang nabago ang buhay dahil sa nasusungkit na jackpot.
| Image from PCSO |
Ngayong Sabado, November 27, ay may aasahan na namang malaking premyo ang mga parukyano ng Philippine lotto dahil bobolahin alas-nuwebe ng gabi ang Grand Lotto 6/55 na ang jackpot prize ay tiyak na aabot na sa mahigit P150 million.
Noong nakaraang bola nito, ika-24 ng Nobyembre, hindi natamaan ang jackpot prize nito na ₱147,715,023.60.
Samantala, ibinalita ng PCSO na kinolekta na ng solo winner ng Super Lotto 6/49 winner na binola noong ika-4 ng Nobyembre ang jackpot prize na P125, 692,139.20.
Ang winner ay isa umanong middle-aged government employee mula sa San Carlos, Pangasinan.
| Image from PCSO |
Kwento ng winner may inaalagaan siyang mga numero, pero ang tumama ng jackpot ay ang lucky pick niya, na ang ibig sabihin ay ang lotto machine ang pumili ng six random numbers para sa kanya.
Plano raw niyang magbigay sa kawanggawa at magpatayo ng sariling lotto outlet.
COMMENTS