Laking pasasalamat ni Jerald Napoles sa sekyu na nagbalik ng nahulog niyang pera na idedeposito sa bangko.
| Image from Jerald Napoles' Facebook account |
“Shawrawt!”
Isang matinding shout-out ang ibinigay ng komedyanteng si Jerald Naploes para sa isang tapat na security guard na nagsauli ng pera niyang nalaglag sa labas ng bangko.
Kuwento ng aktor, malaking halaga ang nalaglag na pera na bahagi ng idedeposito niya sa bangko kaya naman laking pasasalamat niya sa sekyu na kinilalang si Roland Gomez ng BPI Tomas Morato Branch.
“Pinaka-matinding shout-out sa security guard ng BPI Tomas Morato branch na si kuya Roland Gomez !!! Shawrawt!!” post ni Jerald sa Facebook account niya noong Lunes, November 15.
Nalaman lang daw ni Jerald na nawawalan siya ng pera nang nasa teller na siya para magdeposito. Kulang na raw ‘yung pera kaya nag-panic siya.
| Image from Jerald Napoles' Facebook account |
Nagulat na lang daw siya nang magtanong siya sa mga bank security guards kung may nakitang pera dahil nai-surrender na pala iyon sa bank manager na si Mercy Jonsay na agad nagsagawa ng beripikasyon upang matukoy kung sino ang may-ari ng pera na isinurender ng sekyung si Roland.
“Nalaglag ang idedeposit ko na malaking halaga sa labas mismo ng bank. 'Di nagdalawang-isip si kuya na pulutin at isurrender kala mam Mercy Jonsay (branch manager) para ma-advise ng pangyayari. Hindi ko napansin habang nakapila na na-surrender na pala ang pera dahil hindi rin nila alam na ako ang nalaglagan, ‘pag dating ko sa teller kulang ang ide-deposit. Sumakit ang ulo ko sa panic. Buti na lang at nagtanong ako sa guards at nagkaroon ng masusing verification process sa management ng branch gamit ang ilang footages sa cctv kung sa ‘kin nga ang na-surrender sa kanila na pera,” kuwento pa ni Jerald.
| Image from Jerald Napoles' Facebook account |
Aniya, may mga tao talaga na tapat at may magandang kalooban.
“May mga tao talaga na tapat at maganda ang kalooban. Isandaan ulit na pasasasalamat at pagpapala ang hiling ko para sa iyo kuya Roland,’ wika pa ng komedyante.
Pinasalamatan din niya ang bank manager na si Ms. Jonsay dahil maayos umano ang ginawang beripikasyon.
| Image from Jerald Napoles' Facebook account |
COMMENTS