Ibinida ng young actress na si Jillian Ward ang bago niyang BMW car.
| Image from Jillian Ward's Instagram account |
Nagdadalaga na ang dating child actress na si Jillian Ward na unang nakilala sa pagganap sa 2010 drama-comedy TV series ng GMA Network na “Trudis Liit.”
Sa latest niyang post sa Instagram ay ipinakita niya sa mga followers ang bago niyang BMW car.
“My new baby car,” ang caption na inilagay ng Kapuso star sa ilalim ng larawan kung saan makikita siyang nakasuot ng black dress at black knee-high socks habang nakasandal sa kanyang magarang kotse.
Umani ito ng mga papuri mula sa mga fans na nagsasabing deserve niya na magkaroon ng BMW dahil sa kanyang hard work.
Batay sa patakaran ng Land Transportation Office, maaari nang kumuha ng student driver’s permit ang mga may edad 16 pataas. Si Jillian ay nagdisisais anyos noong February 23, 2021.
| Jillian Ward as "Trudis Liit" |
Si Jillian ay unang nakita sa TV commercial ng Promil. Iyon ang nagbigay -daan para pasukin niya ang mundo ng local showbiz. Sumikat siya dahil sa una niyang teleserye sa GMA Network noong 2010, ang remake ng “Trudis Liit” na unang ginampanan sa pelikula ni Vilma Santos noong 1963.
Noong December 2019 ay kumalat naman ang mga haka-haka na posibleng si Jillian ang susunod na gaganap bilang “Marimar” matapos niyang ibahagi sa social media ang pagsayaw niya sa isang beach sa saliw ng “Marimar” theme song.
| Image from Jillian Ward's Instagram account |
Ang Marimar ay isang Mexican telenovela na naging sobrang popular sa Pilipinas noong 1996 nang i-dub iyon sa Tagalog. Si Thalia, isang Mexican singer at actress, ang gumanap na Marimar. Katambal niya si Eduardo Capetillo sa papel na “Sergio.”
Dahil phenomenal ang popularidad nito ay inilabas ang Marimar bilang isang full length Tagalized movie noong 1996.
Noong 2007 ay nagkaroon ang GMA Network ng Tagalog adaptation ng Marimar. Si Marian Rivera ang gumanap sa title role katambal si Dingdong Dantes na kalaunan ay napangasawa niya.
| Image from MyGMA |
Ang Marimar, na naging highest-rated prime time drama show sa Philippine TV noong panahong iyon, ang naging daan para maging ganap na supertar si Marian Rivera.
Sana nga'y si Jillian Ward na ang next Marimar!
COMMENTS