Inilunsad ni Jinkee Pacquiao ang kanyang skin care line na Jinkee Skin.
| Image from Jinkee Skin |
Halos dalawang buwan ang nakalipas nang unang isapubliko ang plano niyang paglulunsad sa bago niyang negosyo, natupad na rin iyon sa wakas na lubos na nagpasaya kay Jinkee Pacquiao.
"I am filled with so much excitement to start my newest baby, Jinkee Skin. Through this venture, let us all empower the local beauty industry. So, join me and experience luxury skincare you deserve without spending a fortune!” pahayag ni Mrs. Pacquiao noong Setyembre.
At nito ngang nagdaang araw ng Martes, ika-16 ng Nobyembre, ay nagdaos siya ng maliit na launch party sa kanyang skin care line venture na Jinkee Skin na ginanap sa Makati Diamond Residences.
Aniya, sa tulong ng Panginoon ay natupad ang isa sa kanyang mga pinapangarap.
| Image from Jinkee Skin |
"Natutupad ‘yung mga pangarap, siyempre, by God's grace. Sa tulong ng Panginoon, ito naman ‘yung pinagpe-pray ko dati pa e,” buong pasasalamat na sabi ni Jinkee.
Grateful daw talaga siya na nailunsad na ang Jinkee Skin products isang taon lang ang nakalipas mula nang ilunsad ang kanyang Jinkee cosmetics sa kasagsagan ng pandemya noong August 2020.
“Nung una,’ yung ano ko cosmetics, ‘yung lipsticks, cosmetic line. Kahit na nag-pandemic, pero at least na-introduce pa rin sa market. And then, ngayon naman Jinkee Skin... It's a dream come true for me. Ayun, grateful lang talaga," wika pa niya.
Ka-partner niya rin dito sa Jinkee Skin ang matagal na niyang kaibigan at partner din sa Jinkee Cosmetics na si Maricor Flores.
| Image from Maricor Flores |
“Matagal na kaming magkaibigan and nagtitiwala ako sa kakayahan niya so kami ‘yung nag-partner," ani Ginang Pacquiao.
Tiniyak niya na hindi nakaiirita sa balat ang bagong produkto niya na age-control soap at age-control lightening body serum. Bukod sa de-kalibreng produkto ang mga ito ay mura pa raw kaya siguradong happy ang bibili.
| Image from JinkeeSkin |
"Ayoko kasi ‘yung baka may sasabihin yung ibang tao. So talagang shinu-sure ko na yung products is hindi magkakaroon ng irritation sa skin ng gagamit. Kasi dun ako takot. Kailangan mabusisi ‘yung proseso para at least ano, walang magrereklamo. Siyempre ‘yun ‘yung ina-avoid ko, ‘yung may magreklamo. Kasi siyempre, kailangan ‘yung produkto de kalibre, saka happy ‘yung bibili, at saka mura pa," paggagarantiya niya.
| Image from Jinkee Skin |
Ang mga produktong inaalok ay personal raw niyang sinubukan at ginamit sa loob ng dalawang taon bago inilunsad. May JinkeePedia pang magtuturo kung ano ang mga benepisyo sa kaniyang mga produkto.
COMMENTS