Pormal nang inanunsiyo ng GMA Network ang paglipat sa kanilang bakuran ng magaling at multi-awarded actor na si John Lloyd Cruz.
Pormal nang inanunsiyo ng GMA Network ang paglipat sa kanilang bakuran ng magaling at multi-awarded actor na si John Lloyd Cruz.
Nitong Martes,
Nobyembre 9, inilabas ng Kapuso Network ang balita tungkol sa pagpirma ni JLC
ng kontrata sa GMA bilang kanilang pinakabagong talent.
“Multi-awarded and highly-respected actor John Lloyd Cruz is ready to begin a new chapter in his life. Today (November 9), he officially marks his comeback by signing a contract for a big project with GMA Network at the Edsa Shangri-La Hotel, Mandaluyong,” anito.
Si John Lloyd ay
nagsimula ng kaniyang karera, nakilala at sumikat bilang talent ng Kapamilya network.
Namahinga siya mula sa industriya nang ilang taon matapos ang kaniyang kontrobersiyal
na relasyon at kinalaunan ay pakikipaghiwalay kay Ellen Adarna.
Nagbunga ang
kanilang relasyon ng isang anak at ngayon ay kapwa may kani-kaniya nang buhay
ang dalawa.
Samantala, ang contract-signing
ay pinangunahan ni GMA Network's board director, programming consultant to the
chairman/CEO, at GMA Films president Annette Gozon-Valdes kasama ang iba pang
matataas na opisyal ng media giant.
| Imahe mula sa GMA Twitter |
Dumalo rin sa nasabing pagtitipon sina Direk Edgar
"Bobot" Mortiz at dating Star Magic Manager Johnny Manahan. Sina
Mortiz at Manahan ay dating nakasama ni JLC sa ABS-CBN at kapwa nangibang-bakod
na rin matapos mabigo ang Kapamilya network na makakuha ng bagong prangkisa
noong 2020.
Bago pa man ang
paglipat ni JLC, nauna nang pumirma ng kontrata sa GMA ang kaniyang sikat
na ka-love team na si Bea Alonzo na nakasama niya sa ilang blockbuster na
pelikula ng Star Cinema tulad ng ‘One More Chance’, ‘Miss You Like Crazy’, ‘ A
Second Chance’ at marami pang iba.
Si JLC ay unang sumikat sa teleseryeng ‘Tabing-ilog’ taong 1999 kung saan naka-partner niya si Kaye Abad. Subalit maituturing na ‘breakthrough’ role ni John Lloyd Cruz ang pagganap bilang si ‘Yuri’ sa ‘Kay Tagal Kang Hinintay’ kung saan una niyang nakasama si Bea Alonzo.
| Screenshot mula sa 'Miss You Like Crazy' via You Tube |
Sinundan ito ng
ilan pang markado at lead roles sa mga teleseryeng ‘It Might Be You’ and ‘Ikaw
Ang Lahat Sa Akin’ na pawang pumatok sa mga manonood.
Tumabo rin sa takilya ang kanilang tambalan sa pelikula ni Pop Princess Sarah Geronimo tulad ng ‘A Very Special Love’, ‘You Changed My Life’ at ‘It Takes A Man and A Woman’.
COMMENTS