Inialok ng Jollibee at McDo ang kanilang outlets para magamit na vaccination sites.
Nagsanib puwersa ang dalawang higanteng magkaribal sa food industry na Jollibee at McDonalds for a good cause.
Inialok ng biggest fastfood chains sa pamahalaan ang kanilang mga outlets sa iba’t ibang rehiyon para magamit bilang vaccination sites upang makatulong na mabilis na maabot ang vaccination target na 1.5 million jabs kada araw.
Batay sa pinakahuling datos ng, ang average daily jab rate sa buong bansa ay nas 774,185.
“We are willing to offer the space in our stores for 2 weeks in November, to help LGUs administer the 1st doses for the eligible population of adults and those aged 12-17 years old,” pahayag ni Margot Torres, ang Managing Director ng McDonald’s Philippines.
Ayon sa proposal, ang Jollibee at McDonald’s ay makikipag-ugnayan sa mga Local Government Units (LGU) kung saan naroroon ang kanilang outlets. Ang mga LGU ang magsasagawa ng pagbababakuna at magiging responsable sa manpower na kakailanganin sa implementasyon ng prorama.
Kabilang sa mga outlets na alok ng dalawang kumpanya ay ang nasa Central Luzon, Calabarzon at iba pang mga lugar sa labas ng Metro Manila.
“Our teams can work with the DOH regional offices to ensure safety measures and proper implementation of the vaccination in the identified stores to be used as vaccination sites. We expect that we can achieve 150 to 300 plus jabs per day depending on the location, size and store layout,” ayon naman kay Pepot Miñana, ang Chief Sustainability and Public Affairs Officer ng Jollibee Group.
Ang Jollibee at McDonald’s ay parehong supporter ng Ingat Angat Bakuna Lahat campaign ng Taskforce T3,(Test, Trace, Treat), isang private-public group na isinusulong ang mga programa kontra COVID-19..
COMMENTS