Pinuri naman ng alkalde ang ginawa ng DPOS dahil nangangahulugan umano ito ng ‘walang sense of entitlement’ dapat ang mga opisyal ng gobyerno.
Tiniketan ng Quezon City Department of Public Order and Safety (DPOS) ang sariling alkalde ng kanilang lungsod matapos maispatan ang opisyal na nagbibisikleta na walang suot na helmet.
Nitong Huwebes,
Nobyembre 25, naisyuhan ng tiket si Mayor Belmonte matapos sumali sa isang
grupong nagbibiking-for-a-cause sa isang kalsada sa Quezon City.
Kasama niya ring
natiketan si Cherie Atilano ng UN Food System Champions at kapwa pinagmulta ng
P500. Ang dalawa ay kasali sa grupong nagdaraos ng Cycle to End Violence Against
Women bike event.
| Imahe mula sa ABS-CBN News |
Ito ay paglabag
umano sa umiiral na City Ordinance 2942-2021 ng lungsod, ayon sa QC DPOS.
Pinuri naman ng
alkalde ang ginawa ng DPOS dahil nangangahulugan umano ito ng ‘walang sense of
entitlement’ dapat ang mga opisyal ng gobyerno kaya tama lang na isyuhan sila
ng tiket.
“I commend our
DPOS for strictly implementing our ordinance kasi wala silang sini-sino kapag
nagpapatupad ng batas,” ani Mayor Belmonte batay sa ulat ng QC Government.
Ang grupo ng mga cyclists ay umikot sa bike lane ng QC Hall, Elliptical road, hanggang Agham Road, at pabalik.
Maliban sa lokal
na pamahalaan ng QC, dinaluhan din ang bike-for-a-cause ng embahada ng Netherlands
at Austria, Philippine Commission on Women, Spark Philippines, at iba pang
non-government organizations.
Ito ay upang
gunitain ang 18 araw na kampanya para labanan ang karahasan laban sa kababaihan
at ang ikatlong taong anibersaryo ng #RespetoNaman Movement.
“Through this
event, we hope to spread awareness among the general public about the
importance of protecting the rights of women and girls by addressing all forms
of gender-based violence,” wika pa ng alkalde.
Bukod dito,
kabilang rin ang naturang event sa pagdiriwang ng National Bike Day ng lungsod
na gaganapin sa November 18, 2022.
Samantala,
nagpaalala naman ang QC local government sa mga siklista at motorista na
sumunod sa patakaran sa lansangan at safety protocols para na rin sa kanilang
kaligtasan.
COMMENTS