Kinilig ang mga fans at kaibigan sa litrato nina Julia Montes at Coco Martin.
| Composite photos of Coco Martin and Julia Montes |
Super kilig ang hatid ng dalawang litrato na ipinost ni Julia Montes sa Instagram.
Ang isa ay larawan niya na ang background ay isang beach. Nilagyan niya iyon ng caption na “Today is a great day to smile and be happy."
Ang isa pa ay litrato naman ni Coco Martin na ang background ay kapareho ng background ng litrato ni Julia.
Hindi man sila magkasama sa iisang larawan ay mukhang sila ang naglitrato sa isa’t isa. Ayon sa ilang fans posibleng kuha sa Ilocos Sur ang larawan kung saan may taping ang “FPJ’s Ang Probinsyano.
Matagal nang usap-usapan na may relasyon ang dalawa ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring silang pag-amin na ginagawa.
| Image from Julia Montes' Instagram account |
Kinilig ang mga celebrity friends at fans ng dalawa sa larawang ipinost ni Julia. Kabilang sa mga ito sina Dimples Romana, Dawn Zulueta, Paulo Avelino, Miles Ocampo, Neri Naig, Maxene Magalona, Isabel Oli, Jessy Mendiola, Kris Berna, Ara Mina, Jennica Garcia at marami pang iba.
Narito ang ilan sa mga komento ng mga fans at friends na super kilig sa dalawa:
“Yung puso ko ang saya na makita kayong dalawa,” komento ng isang tagahanga.
“Mahal na mahal ko kayong dalawa!!!!!!! Ibang level ng happiness ang binibigay n'yo sa buhay ko!” ayon naman sa isa pang fan ng CocoJul loveteam.
| Image from Julia Montes' Instagram account |
“Walang kasingganda,” sabi ni Dimples Romana.
“Nag-uumapaw ang kagandahan mo baby girl,” sabi naman ni Jennica Garcia.
Karamihan sa mga celebrity friends nila ay heart emojis ang komento.
Si Coco at Julia ay unang pinagtambal noong 2012 sa super hit teleserye na “Walang Hanggan.” Nasundad ang tambalan nila noong 2013 sa “A Moment in Time,” “Ikaw Lamang” noong 2014 at “Wansapanataym” noong 2015.
| Image from Dreamscape |
Noong July ngayong taon ay ipinakilala si Julia Montes bilang pinakabagong leading lady ni Coco Martin sa FPJ’s Ang Probinsyano na anim na taon nang namamayagpag sa telebisyon.
COMMENTS