Ikinalungkot ni JV Ejercito na ginawang katatawan ng ilan ang pagsemplang niya sa bike.
| Image from JV Ejercito's Twitter account |
Ikinalungkot ng dating senador na si JV Ejercito ang ginawa ng ilang netizens na panlilibak sa kanya matapos niyang madisgrasya habang nagbibisikleta.
Ang tanong niya ay ano na ba ang nangyayari sa mga Pinoy at tila bumaba na ang mga pagkatao sa social media? Hindi naman daw dapat ganito ang mga Pilipino na isa sa itinuturing na ‘friendliest people in the world."
“Have some people gone this low in socmed? Some even making fun of my accident and injuries in a page of a major daily. What is happening to some Pinoys? We are not like this. Supposedly we are one of the friendliest people in the world. Sa halip na magpagalingan sa talino, tila sa iba pagalingan sa pabastusan ang gusto,” post niya sa Facebook.
| Image from JV Ejercito's Facebook account |
Ang himutok ni JV Ejercito ay nag-ugat nang ipaskil niya sa social media account niya ang nangyari sa kanya habang nagbibisikleta sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa Maynila.
Aniya, nalubak daw siya at nawalan ng kontrol sa manibela kaya sumemplang. Ibinahagi rin niya ang ilang larawan na nagpapakita ng mga galos na tinamo. Mapapansin sa larawan na nabukulan siya sa noo.
Isang UV express driver ang maagap na tumulong sa kanya. Aniya, tunay daw na matulungin ang driver dahil nakilala lang siya nang ihatid siya nito hanggang sa bahay niya.
| Image from JV Ejercito's Facebook aacount |
“Ouch. I hit a small pothole while doing a solo ride and sprinting along the stretch of Roxas Boulevard. I lost control as my front wheel wobbled, then fell hard on my bike.Hopefully I’ve no internal hemorrhage, will have CT Scan later to be sure. Thank you to Manong UV Express who rescued me. Ride safe everyone! Ingat tayo sa kalye,” aniya.
Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens na ayon kay JV Ejercito ay mula sa isang Faceboiok page:
“’Yung wagas na kaengotan kailangan pang i-post JV Ejercito Estrada, Ano ‘yan paawa effect? iboto niyo daw na Senathieve.”
"Iba talaga 'pag mayaman, nagkabukol lang sa noo CT scan agad, samantalang tayo ilang beses na semplang ice lang katapat hahaha."
Image from JV Ejercito's Facebook account
Mayroon din namang iba na nakisimpatiya sa dating senador.
"God bless you hijo. Next time be careful. Stay safe."
"If you think this is funny, there's something wrong with you,"
COMMENTS