Nagdadalagang maganda ang batang aktres na gumanap sa Miracle in cell no. 7.
| Image from So-won.ming's Instagram account |
Natatandaan n'yo pa ba ang batang si Ye Sung sa tearjerker hit movie na “Miracle in Cell no. 7” noong 2013?
Ang role ay ginampanan ng talentadong child actress na si Kal So-won na pitong taong gulang pa lamang nang ipalabas noon ang pelikula. Sobrang naging popular ng pelikula kaya nagkaroon ito ng adaptation sa Turkey at sa Pilipinas na parehong nakakaiyak din.
Ang Miracle in Cell no. 7 ay tungkol sa isang lalaking mentally challenged na nabilanggo dahil sa maling bintang. Naging kaibigan niya ang mga kasama sa selda na tumulong sa kanya upang makasama niya sa loob ang anak na si Ye Sung.
| Screenahot from Miracle in Cell no. 7 movie |
Nakilala nang todo si Kal So-won dahil sa husay ng pagganap niya na nagbigay-daan sa nominasyon sa kanya sa Grand Bell Award bilang Best New Actress at Best Actress.
Matapos ang mahusay na pagganap sa Miracle in Cell no. 7 ay naging sunud-sunod ang paglabas niya sa mga TV drama at pelikula. Siya ang gumanap na batang bersyon ng sirenang si Se Wha sa pelikulang “Legend of the Blue Sea” noong 2016. Napanood din siya sa “A Korean Odyssey” noong 2017.
Noong 2019, nagbahagi ng larawan ang aktor na si Ryu Sung Ryeong, na gumanap na ama ni Ye Sung sa Miracle in Cell no. 7, na magkasama sila ni Kal So-won. Sinabi niya na malaki na si “Ye Sung.”
“Father-daughter reunion. So Won is eating lots of beans and growing up healthy on Jeju,” caption ng aktor sa reunion picture nila ng aktres na nagdadalaga na.
| Image from Ryu Sung Ryeong's Instagram account |
Ngayon, ang batang si “Ye Sung” ay nagdadalagang maganda. Makikita sa ilan niyang larawan na ibinabahagi sa kanyang mga social media pages ang transpormasyon mula sa pagiging cute na bata hanggang sa pagiging marilag na teenager.
Fifteen years old na ngayon si Kal So-won na ipinanganak noong August 14, 2006.
| Image from So-won.ming's Instagram account |
COMMENTS