Sabay na nagdaos ng kaarawan nila si Karen Davila at Lyca Gairanod.
| Image from Karen Davila's Instagram account |
Natatandaan n’yo pa ba ang sumikat na “Oh my God” moment ng journalist na si Karen Davila at singer na si Lyca Gairanod noong buwan ng Agosto na naging popular na meme sa social media dahil sa pagiging funny niyon?
Napa-”Oh my God” si Karen Davila habang ini-interview niya noon ang dalagitang singer nang malaman niya na magka-birthday silang dalawa. Parehong November 21 ang kaarawan nila.
Isang araw bago ang ang birthday nila ay ni-recreate ng dalawa ang naturang funny moment bilang isa sa mga highlights sa ginawa nilang joint birthday charity project sa Tanza, Cavite - ang hometown ni Lyca.
Nag-share pa si Karen sa Instagram ng litrato nilang dalawa ng ginawa nilang recreation ng nakatutuwang pangyayari.
| Image from Karen Davila's Instagram account |
“OMG!! It’s our birthday. It’s happening. Super thank you guys for making our birthday a viral consciousness lol. Sa lahat ng November 21 - we celebrate with you!” saad sa caption ng post niya.
Napag-desisyunan nilang magsagawa ng charity project sa halip na ordinaryong birthday handaan upang mai-share ang mga blessings na kanilang natatanggap.
"So for this birthday, I didn't want to be about me and Lyca. But we wanted it to be about other people,” aniya.
“May pandemya po tayo ngayon and what we wanted to do was help people and give them gifts. So guys, I do hope you'll love our birthday celebration. Dahil ito po, para sa inyo sa Tanza, Cavite," dagdag pa ng beteranang journalist.
Sinegundahan naman ito ni Lyca.
| Screenshot from Karen Davila's video |
"Hindi lang po para sa amin itong special day natin, para rin ito sa mga tao na... kailangan din natin bigyan ‘yung nangangailangan," sabi ng singer na 17 years old na ngayon.
Naging katuwang nila si Gretchen Ho at ang proyekto nitong “Donate A Bike, Save A Job" para sa kanilang birthday celebration.
Nakapagpamahagi sila sa mga kapitbahay ni Lyca ng 45 bikes, safety manuals, vests, t-shirts, helmets na maaari nilang magamit sa paghahanapbuhay.
| Screenshot from Karen Davila's video |
Ang iba naman ay nabigyan ng loading business starting kit kabilang ang 14 smartphones at pocket wi-fi mula sa PLDT-Smart Foundation.
At dahil birthday celebration iyon, nag-enjoy si Karen at Lyca kasama ang mga bisita sa munting salo-salo ng masasarap na pagkain mula sa ILLO’s Party Trays.
| Screenshot from Karen Davila's video Ibinahagi na ni Lyca ang masayang selebrasyon sa kanyang YouTube vlog! |
COMMENTS