Usap-usapan ang birthday message ni Karla Estrada kay Robin Padilla.
| Compositte photos of Karla Estrada and Robin Padilla |
Naging usap-usapan sa social media ang birthday message ni Karla Estrada para kay Robin Padilla na nagdiwang ng kanyang 52nd birthday; Martes, ika-23 ng Nobyembre.
Si Karla Estrada, isa sa mga hosts ng morning talk show na Magandang Buhay ng ABS-CBN at ina ni Daniel Padilla, ay dating partner ni Rommel Padilla na nakatatandang kapatid ni Robin.
Si Rommel ang ama ni Daniel Padilla.
Sa birthday message niya na ginawa sa pamamagitan ng isang Instagram post, sinabi ni Karla na siya ay isang buhay na saksi sa kabutihan ni Robin.
| Image from Karla Estrada's Instagram account |
Ito raw kasi ang kumupkop sa kanila ni Daniel noong panahon na walang-wala sila at hindi pa nagtatamasa ng kasaganahan na mayroon sila ngayon. Ginawa raw nito ang pagtulong sa kanila sa tahimik na paraan.
Ipinagpasalamat din ni Karla na itinuring siya ni Robin bilang isang tunay na kapatid.
“Maligayang kaarawan sa iyo ‘tol! Ako ay isang buhay na saksi ng kabutihan ng puso mo. Salamat sa pagmamahal mo sa aming mag ina. Salamat sa pagturing mo sakin bilang isang tunay na kapatid. Salamat sa pagsalba ng tahimik sa aming mag-ina noong mga panahon na wala pa ang mga karangyaang ito. Dalangin ko ang katuparan at tagumpay ng mga minimithi ng puso mo,” bati ni Karla kay Robin
Samantala, biniro naman ni Mariel Padilla ang mister na tinawag niyang “ang taong walang pakialam sa sariling birthday."
| Image from Mariel Padilla's Instagram account |
“Happiest birthday, my babe, ang taong walang pakialam sa birthday niya hehe.we love you so much!!! We are so so so so so proud of you,” aniya.
Isang surprise party ang ginawa ni Mariel at mga anak para kay Robin. Ipinagluto niya ito ng spaghetti at cupcakes naman ang handog ng dalawa nilang anak na lubos na ikinalugod ng action star.
“Alhamdulillah. Ang pinakamasayang surprise b-day na handog ng aking pamilya .Home baked spaghetti ni cooking ina @marieltpadilla at ang home baked cup cake ni @mariaisabelladepadilla at siempre ni @gabrieladepadilla. 52 na ako Ma shaa Allah. maraming maraming salamat babe,” ani Robin.
| Image from Robin Padilla's Instagram account |
Si Robin Padilla ay kandidato sa pagka-senador para sa halalan sa susunod na taon. Ayon sa mga survey, kung hindi magbabago ang trend ay tiyak na maipapanalo ng aktor ang kanyang kandidatura.
COMMENTS