Nilinaw ni Kuya Kim Atienza na hindi niya pinaringgan ang ‘It’s Showtime’ sa kaniyang komento sa isang Facebook post ni Camille.
Nilinaw ni Kuya Kim Atienza na hindi niya pinaringgan ang ‘It’s Showtime’ sa kaniyang komento sa isang Facebook post ni Camille Prats noong isang araw.
Matatandaang
na-bash ng mga netizens ang dating Kapamilya host matapos itong magbigay ng
komento sa post ni Camille hinggil sa pagiging bagong direktor ng ‘Ang
Probinsyano’ ng kaniyang kapatid na si John Prats.
Ang post ni Camille ay bilang pagsuporta sa kaniyang kapatid at nasasaad dito ang caption na “Kuya ko yaaaan!!!” na patungkol sa Instagram story ni John na nagpapasalamat sa kaniyang bagong directorial job.
| Imahe mula sa Facebook ni Kuya Kim |
Dito ay
nagkomento si Kuya Kim ng, “Nothing is an accident mars Camille. Galing ni Lord
no? Iniwas siya sa sakit ng ulo.”
Makaraan ang
ilang oras ay makikitang edited na ang komento ng host at tinanggal ang mga
katagang “Iniwas siya sa sakit ng ulo”.
Subalit maraming netizens ang hindi natuwa sa komento ni Kuya Kim dahil mistulang patungkol umano ito sa ‘It’s Showtime’ na naging bahagi rin siya ng ilang taon sa ABS-CBN bago lumipat sa GMA.
| Screenshot mula sa You Tube |
May mga nagsabi
pang magkaibigan daw kasi sina Kuya Kim, Direk Bobet Vidanes at Billy Crawford
na pawang bahagi ng ‘It’s Showtime’ subalit lumipat na rin ng bakuran.
Sa isang Twitter post noong isang araw, nilinaw ni Kuya Kim, na mapapanood na ngayon sa ilang
Kapuso programs, na wala siyang intensiyong makasakit sa kaniyang naging
komento.
Aniya, “I didn't mean anything negative w/ my comment. Being a friend of Direk Bobet, I know how difficult it is to direct a live show. Masakit talaga sa ulo, multitasking w/ a skeleton crew etc.”
| Screenshot mula sa Twitter |
"I love my
showtime family and will never say anything bad about them. Be safe everyone,”
dagdag pa nito.
Bagama’t nagsimula
ng kaniyang broadcasting career sa radio noong 1990s, higit na nakilala si Kuya
Kim matapos itong maging bahagi ng TV Patrol kapalit noon ni Ernie Baron.
Kinalaunan ay
binigyan na rin siya ng ibang programa ng ABS-CBN tulad ng Umagang Kay Ganda,
Its’ Showtime at Matanglawin.
COMMENTS