Simple lang daw ang hiniling at pinangarap ng aktres na si Kiray Celis: isang lalaki na magiging loyal at walang ibang mamahalin maliban sa kanya.
Simple lang daw ang hiniling at pinangarap ng aktres na si Kiray Celis: isang lalaki na magiging loyal at walang ibang mamahalin maliban sa kanya.
Ngunit ang dumating, higit pa sa kanyang inakala. Bukod sa pagmamahal, talaga namang nag-e-effort din ang kasintahan niyang si Stephan Estopia upang bigyan siya ng mga regalo at materyal na bagay na magpapasaya sa kanya.
Sa Facebook, muling nagbahagi ang dalaga tungkol sa panibagong surpresang natanggap niya mula sa minamahal.
"Loyal na lalaki lang hiniling ko. Pero binigyan N'yo 'ko ng lalaking may pa-iPhone 13 na, may pa LV (Louis Vuitton) pa! Huhuhuhu! Christmas gift na raw niya sa'kin. HAHAHAHAHAHA! I love you, Stephan Estopia!" saad niya sa caption ng mga larawang ibinahagi niya.
Pero paglilinaw ni Kiray sa isang post, bagama't mahal ang mga natatanggap niyang regalo mula sa kasintahan ay hindi naman sa mga ito nakasentro ang kanilang relasyon.
"'Hindi naman nababase ang pagmamahal sa regalo.' 'Hindi naman porket binilhan ka ng mamahaling gamit, hindi ka na lolokohin.' 'Hindi binili ng jowa n'ya 'yan, pera ni kiray 'yan.' Ilang lang 'yan sa mga narinig namin pero nakakatawang basahin at pakinggan," wika niya.
"Yes! Masyadong mahal tong LV na sandals at iPhone 13 para iregalo ni Stephan Estopia. Halos pasok lang sa sweldo niya sa stream at sa endorsements na ginawa niya. Pero hindi 'yon naging hadlang para hindi niya raw maibigay lahat ng gusto ko. Kaya nagpapasalamat ako," dagdag pa ng aktres.
Masaya rin daw siya dahil noon pa man ay pamilya na ang prioridad niya at madalas ay nakalilimutan na niya ang mga pansariling nais.
"Salamat kasi buong buhay ko halos gamit at kailangan ng pamilya ko ang priority ko. Madalas nakalilimutan ko na 'yong sarili ko pero lagi mong pinaparamdam sa 'kin na deserve ko lahat kasi mabait at masipag akong tao," aniya.
COMMENTS