Ang dating child star na si LAdy Lee ay isang international student sa Canada ngayon.
| Image from Sinehub |
Ma. Kristina Edrosa Lee ang tunay niyang pangalan na nakilala nang tanghalin siyang first runner up sa Little Miss Philippines segment ng Eat Bulaga noong 1990.
Naging mainstay si Lady Lee sa noontime show kung saan niya nakasama ang child wonder na si Aiza Seguerra (Ice na ngayon) na produkto rin ng Little Miss Philippines noong 1987.
Simula noon ay nagsunud-sunod na ang mga proyekto ni Lady Lee kabilang ang ilang pelikula kasama ang ilan sa mga pinakapopular na mga aktor at aktres ng local showbiz kabilang sina Maricel Soriano, Judy Ann Santos, Rene Reqiestas at marami pang iba.
| Ice and Lady Lee/Image from Push |
Noong labindalawang taong gulang na siya ay unti-unti na siyang nawala sa limelight dahil itinuon niya ang panahon sa pag-aaral. Paminsan-minsan ay pinauunlakan niya ang mga offers na lumabas sa telebisyon, subalit kalaunan ay tuluyan na niyang tinalikuran ang showbiz career.
May sariling pamilya na ngayon si Lady Lee. Dalawa na ang anak nila ng kanyang napangasawa.
Masayang may halong lungkot na nararamdaman ang dating child actress dahil iniwan niya pansamantala ang pamilya upang tuparin ang pangarap na makapag-aral ng Culinary Arts sa Vancouver Community College sa Canada.
| Image from Lady Lee |
“Culinary Arts diploma is good for two years. So, we have practical exams and I’m really happy and I’m really thankful na dun po ako napunta. Kasi alam ko po na most of the chefs here in Vancouver, especially po sa Downtown, are actually from the school where I am,” kuwento niya.
Hilig talaga niya ang pagluluto. Sa katunayan, noong nasa Pilipinas pa siya ay mayroon siyang online food business katuwang ang mister niya.
| Image from Lady Lee |
Habang nag-aaral ay may trabaho rin siya sa Canada dahil hindi naman umano sila mayaman.
Sakripisyo raw talaga ang malayo sa pamilya, pero kailangan niyang gawin dahil para rin umano sa kinabukasan nila ang kanyang ginagawa.
“This is for our good future din, for my family. Not just for my self, but also for my family, for my children. Kailangan kong mag-focus, kailangan kong gawin lahat kasi para ito sa kanila.Hindi ito para sa akin. And I want the best for my children,” aniya.
| Image from Lady Lee |
COMMENTS