Pursigido si Lian aAz na ma-annul na ang kasal nila ni Paolo Contis.
| Composite photos of Lian Paz and Paolo Contis |
Matagal na silang hiwalay pero hindi pa rin makawala ang dating miyembro ng EB Babes sa “anino” ng dati niyang asawa.
Nais na raw niyang maibalik ang kanyang kalayaan, ani Lian. Hanggang ngayon daw ay Contis pa rin ang ginagamit niya sa mga legal documents niya tulad ng passport.
“Alam mo ‘yung ganoong feeling? Na hindi mo na bitbit ‘yung surname niya sa passport? Na kada magta-travel ako, Contis pa rin?” aniya.
Si Lian at Paolo ay ikinasal nang sibil noong 2009 sa Cauayan, Isabela. Nagtagal ang kanilang pagsasama nang halos apat na taon na nagbunga ng dalawang anak na babae.
| Image from Lian Paz's Instagram account |
Si Paolo ang unang naghain ng petisyon para sa annulment. Ikinatwiran niya na dapat ideklarang null and void ang civil wedding dahil noong araw daw na iyon nasa isang taping siya.
Dahil wala pa ring linaw ang petisyon ni Paolo ay si Lian naman ang sumunod na nag-file ng annulment.
"Because he already filed, ako naman ang sumunod na nag-file, Hinayaan ko siyang kumilos nung una, but this time, ako na. Pero ang lawyer pa rin nya ang nag-asikaso para hindi raw masayang ang ground works at para mas mabilis daw," sabi niya sa panayam ng Cabinet Files.
Image from Paolo Contis' Instagram account
"As of now, ang sabi po it was filed na, but not moving. Four years ago, sinabi ko na 'yan sa kanya na ako ang mag-aasikaso. Ang sabi niya, huwag daw. Pero hanggang ngayon, wala pang ganap," dagdag pa ni Lian na ngayon ay engaged na sa kinakasamang si John Cabahug.
Nilinaw ni Lian na walang kinalaman ang engagement nila ni John, na ngayon ay tumatayong ama sa mga anak niya kay Paolo.
Image from Lian Paz's Instagram account
"It doesn't mean I want to get married, but I just want my freedom back,"giit ni Lian.
Sabi niya, ang annulment na lang ang kulang upang tuluyan na silang maging malaya mula sa isa’t isa.
COMMENTS