Nag-sorry si Lolit Solis sa ginawang panawagan na itigil na ang Lunch Out Loud.
| Composite photos of Lolit Solis and LOL logo |
Napag-isip-isip ni Lolit Solis na sablay ang ginawa niyang panawagan sa producer ng Lunch Out Loud (LOL) noontime show sa TV5 na itigil na ang produksyon ng programa kaya nag-sorry siya.
Si Lolit Solis ay isa sa tatlong hosts ng “Take It…Per Minute Me Ganon!” showbiz balita na mapapanood sa YouTube kasama sina Cristy Fermin at Mr. Fu.
Magugunitang napag-usapan nila ang isang insidenteng kinasangkutan ng lead host ng LOL na si Billy Crawford at co-host na si Jeffrey Tam kung saan nagkaroon ng crack ang spine ni Jeffrey dahil sa ginawang biro ni Billy.
Tinawag ni Cristy Fermin na Bully Crawford ang lead host at nanawagan naman si Lolit Solis sa producer ng show na si dating congressman Albee Benitez na itigil na ang show.
| Image from Take It...Per Minute Me Ganon |
Sinabi pa niya na huwag na lang sana mag-produce ng shows ang dating mambabatas dahil hindi naman niya ito linya.
Nang ma-realize na mali ang ginawang panawagan ay agad humingi ng dispensa si Lolit Solis.
“Gusto ko mag-sorry dahil nasabi ko pa na sana iwanan na ni Papa Albee Benitez ang pag-produce ng show dahil nga I find that incident na very improper,” ayon kay manay Lolit.
| LOL logo |
Kawawa naman daw ang mga maaapektuhang production staff kung ititigil ang show. Naisip rin niya na close sa isa’t isa ang mga hosts ng LOL kaya ganoon na lang kung sila’y magbiruan.
“Ngayon ko naisip na kawawa naman ang production staff na mawawalan ng trabaho kung sakali, at hindi naman siguro magbibiruan nang ganoon ang mga tao kundi sila close sa isa’t isa,” sabi pa niya.
Payo niya sa mga hosts ay huwag nang magbiruan ng nakakasakit na biro upang hindi na maulit ang nangyari kay Jeffrey Tam.
| Composite photos of Billy Crawford and Jeffrey Tam |
Idinalangin din ni manay Lolit ang patuloy na tagumpay ng LOL at sana raw ay lalo pang tumaas ang rating ng show.
COMMENTS