Ibinahagi ni Claudine Barretto sa social media ang lumang love letter sa kanya ni Rico Yan.
| Image from RYCB |
Makikita sa Instagram account ni Claudine ang screenshot ng love letter ni Rico Yan na may petsang September 7, 1998.
Ganito ang nilalaman ng lumang love letter:
“Hunny, just wanted you to know that you are the best thing that has happened in my life. You are my life! While I watch you sleep, I can’t believe you’re mine. Thank you for being my rock! And hunny, ‘you rock.’ I love you very much.”
| Image from Caluadine Barretto's Instagram account |
Sabi ni Claudine, ginawa niya ang paglabas ng lumang love letter ng dating kasintahan para sa mga tagahanga ng dati nilang love team sa showbiz.
“Double Infinity, RYCB & Claudinians this is all for you,” anang aktres.
Kinakiligan ito ng mga fans at celebrity friends ng aktres kabilang sina Gladys Reyes, Mariel Padilla, Diane Medina at Neri Naig Miranda.
“Nakakamiss si Rico Mare @claudinebarretto,” post ni Gladys Reyes.
Parehong “awwww” at mga heart emojis naman ang tanging nasambit nina Mariel at Neri.
Narito ang ilan pang komento ng mga kinilig na fans ng Rico-Claudine loveteam:
| Image from Rico Yan Memories Facebook page |
“O my gosh! Kumakain ako tapos napasigaw ako sa kilig habang nagbabasa ..super kilig! Babasahin ko yan ng paulit2x para kiligin ng paulit! Pag sulat ni Rico to claudine lang ako kinikilig..thanks for sharing Ms. Claudine! More pa.”
OMG!!!! The sweetest. Thank you so much Ms. Clau for sharing this. We appreciate it.”
Ang loveteam ni Rico at Claudine ang isa sa mga pinakapopular noong late 1990s. Ang madalas nilang pagsasama sa pelikula ay humantong sa totoong pagmamahalan na tumagal nang mahigit apat na taon.
COMMENTS