May panibagong test na kailangang ipasa ang mga magre-renew ng driver’s license ngayon sa LTO.
May panibagong test na kailangang ipasa ang mga magre-renew ng driver’s license ngayon sa Land Transportation Office (LTO).
Bukod dito,
mayroon ding karagdagang requirements para naman maka-avail ng lisensiyang may
sampung (10) taong validity.
Batay sa ulat ng ABS-CBN News, ang LTO ay mag-aalok na ng libreng comprehensive driver's education program (CDE) para sa lahat ng magre-renew ng kanilang lisensiya.
| Imahe mula sa Daily Tribune |
Kailangan umanong pag-aralan ang mga modules ng CDE at maipasa ang evaluation test para dito
upang makakuha ng CDE certificate of completion.
Libre naman ang
mga modules at review materials ng naturang CDE at maaari itong makuha sa portal
ng LTO Land Transportation Management System (LTMS) o maging sa mga opisina ng
ahensiya sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Nilinaw naman ng ahensiya na iba ang nabanggit na CDE module sa driver's education module para naman sa student drivers at mga bagong license applicants.
| Imahe mula sa Facebook| LTO |
Ang lisensiyang
may 10-year validity ay maaari lamang ibigay sa mga aplikanteng walang traffic
violations habang ang mayroong violations ay maaari lamang makakuha ng
lisensiyang may 5-year validity.
Samantala, kinuwestiyon naman ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang panibagong requirements para sa mga kukuha ng driver’s license na may 10-year validity.
| Imahe mula sa PNA |
“My problem here is that the DOTr [LTO] has been very notorious about its moneymaking schemes, such as letting one pay off his or her passing a driving test, so here, there is this suspicion again that this could be another of those. That is the common complaint of our people,” giit ng senador.
| Imahe mula sa announcement.ph |
Sinang-ayunan
naman ito ni Senador Grace Poe na nagsabing hindi praktikal, lalo na ngayong panahon
ng pandemya, ang nasabing patakaran dahil kailangan muling gumastos ang mga
aplikante ng nasa P1,200 hanggang P1,500.
Magiging dagdag na pasanin lamang umano ito ng mga mamamayan, ani Poe.
COMMENTS