Natanggal ang kalahati ng pilikmata ni Maine Mendoza sa kaliwang mata nang maipit sa eyelash curler.
| Image from Maine Mendoza's Instagram account |
Nagbigay si Maine Mendoza ng paalala sa mga kababaihan na gumagamit ng eyelash curler kung ayaw nilang maging semi-kalbo ang kanilang pilikmata.
Sa Instagram ay ipinakita ng tinaguriang Phenomenal Star” ang litrato niya na kapansin-pansing wala ang kalahati ng pilikmata sa kaliwa niyang mata. Dahil daw iyon sa ginamit niyang eyelash curler.
Sa isa pang litrato, ipinakita niya ang isang eyelash curler kung saan makikitang nakaipit pa ang pikmata niyang natanggal.
“Eyelash curler nightmare!!!” sabi ni Maine.
Aniya, masyado raw naging madiin ang paggamit niya sa eyelash curler na walang hawakan o finger rings.
| Image from Maine Mendoza's Instagram account |
“Swipe left to see what happens when you put too much pressure on an eyelash curler (without finger rings)… You get a chunk of your lashes ripped out in a flash,” pagbabahagi niya sa nangyari.
Ibinahagi niya ang karanasan upang paalalahanan ang mga kababaihan na maging maingat sa paggamit ng beauty tool.
“Girls, go easy when curling if you don’t want a semi-kalbo lid,” sabi niya.
| Image from Maine Mendoza's Instagram account |
Napuno ng mga komento ng pakikisimpatiya ang post niya mula sa mga followers niya at celebrity friends kabilang sina Iza Calzado, Janine Gutierrez, Alessandra De Rossi, MJ Lastimosa, Maggie Wilson, Julia Clarete at marami pang iba.
“Oh my… Hope they grow back fast!”
“OMG noooo. Use agad castor oil soulmeyt. It will help them grow faster.”
| Image from Maine Mendoza's Instagram account |
Si Maine Mendoza ay tinaguriang Phenomenal Star dahil pambihira ang naging kasikatan niya na nagsimula noong 2015 sa Eat Bulaga kung saan ipinakilala siya bilang si “Yaya Dub” na personal assistant ni Lola Nidora na ginampanan ni Wally Bayola sa “Juan For All, All For Juan” segment ng noontime show.
Ang karakter niya ay ipinarehas sa Eat Bulaga co-host na si Alden Richards at doon na nagsimula ang “AlDub” loveteam na lalong nagpataas ng TV ratings ng noontime show at nagpasikat kay Maine at Alden.
| Image from GlobalVoices |
Bukod sa pag-aartista, negosyante rin si Maine na may tatlong McDonald's outlets. Isa rin siyang book author, Sa loob lang ng apat na oras matapos inanunsyo ng isang bookstore ang paglabas ng isinulat niyang "Yup, I am that Girl" noong October 26, 22017 ay sold out agad iyon.
COMMENTS