Pinaaatras na ni Narvacan Mayor Chavit Singson si ‘Pacman’ ngayon sa pagtakbo bilang pangulo.
Sa isang panayam
ng Inquirer, sinabi ni Singson na naniniwala siyang hindi pa ‘kwalipikado’ si
Pacquiao para maging susunod na presidente.
Kailangan umano sa isang pangulo ng Pilipinas ay edukado at may malawak na karanasan sa pulitika. Mas mabuti pa raw na manatili na munang senador ang ‘Pambansang Kamao’ upang makakuha ng ‘experience’.
| Mayor Chavit Singson/ Imahe mula sa Facebook |
Dagdag pa ni
Singson, ‘mapapahiya’ lamang ang bansa kapag nahalal si Paccquiao sa
Malakanyang dahil siya ang magiging ‘mukha’ ng mga Pilipino.
“Advise ko lang
sa kaniya, dapat umatras na. [Bilang] senator, makakakuha ka dun ng malaking
experience, at the same time, makakatulong ka pa rin sa taong bayan,” payo ni
Chavit.
Matatandaang
dating malapit na magkaibigan sina Pacquiao at Chavit subalit nagkaroon ng
hindi pagkakaunawaan matapos suportahan ng boxer-politician ang pagsusog sa excise
tax law ng tabako na siyang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng mga kababayan
ng huli sa Ilocos.
| Imahe mula sa Bleacher Report |
Bukod dito, ibinulgar
din ni Singson na ‘pinaiikot’ lamang ang ‘People’s Champ’ ng kaniyang mga
handler at pinaasang mananalo siya sa halalan sa 2022.
“Ang mga handler
niya ngayon ang nagpapaikot sa kaniya, kung ano-ano ang sinasabi, pinapagastos
siya,” ani Singson. “Kawawa siya bilang araw, nakikinabang mga handler niya
ngayon”.
Ganunpaman, hindi isinasara ni Chavit ang pintuan sa kanilang muling pagkakaayos bilang magkaibigan.
| Imahe mula sa Facebook |
Anang alkade,
lahat naman ng nakalaban niya dati sa pulitika, tulad ni dating Pangulong
Joseph ‘Erap’ Estrada ay kaibigan niya na muli ngayon.
“I'm always for a
reconciliation,” wika pa nito.
Hindi naman sinabi ni Singson kung sino ang kaniyang susuportahang kandidato sa pagka-pangulo subalit tiniyak nitong si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang kaniyang bise presidente.
COMMENTS