Manny Pacquiao nangakong hihikayatin ang mga billionaire friends para mag-invest sa Pilipinas.
| Image from Manny Pacquiao's Facebook page |
Magmula nang maging tanyag si Senator Manny Pacquiao sa buong mundo dahil sa pagiging napakagaling na boksingero ay marami siyang nakasalamuha at nakilalang mga bigating tao. Ilan sa mga iyon ay naging kaibigan niya.
Gagamitin niya ang kanyang katanyagan upang manghikayat ng mga mayayamang negosyante na mamuhunan dito sa Pilipinas.
Sabi niya, mayroon siyang sampung billionaire friends mula sa ibang bansa na handang mag-invest dito. May hiling lang daw ang mga ito sa kanya. Kailangan umanong sugpuin ang talamak na korapsyon sa bansa na isa sa mga dahilan kung bakit iniiwasan ng maraming foreign investors ang Pilipinas.
| Image from Manny Pacquiao's Facebook page |
"May mga kaibigan ako na mga malalaking negosyante at mga mayayaman sa ibang bansa na naka-ready na tumulong sa Pilipinas. Ayaw lang talaga nila itong napakatinding korapsyon sa ating gobyerno,” ani Pacquiao.
Bukod sa korapsyon, kabilang sa mga pumipigil sa mga negosyante ng magnegosyo dito ay ang hindi maasahang internet connection, supply ng kuryente at ang mataas na corporate tax.
“Mahirap din po talagang makakuha ng investors sa bansa kung ang mga katabing bansa ay nasa 20 porsyento lang ang corporate tax. Kailangan nating pababain ang ating corporate tax at palakasin ang ating non-tax revenues,” dagdag pa ng pambansang kamao.
| Image from Manny Pacquiao's Facebook page |
Aniya, kapag nahalal siyang pangulo sa susunod na taon ay hihilingin niya sa Kongreso na magsabatas ng malawakang tax reforms upang maisulong ang mas magandang investment climate sa bansa.
“Eh, nakakahiya naman tayo. Sinong mag-iinvest sa atin?” tanong niya.
Hindi raw dapat umasa ang gobyerno sa kita mula sa buwis. Maaalalang nabanggit niya noon na dapat i-maximize ng pamahalaan ang mga government owned and controlled corporations.
Aalisin din umano niya ang red tape sa pamamagitan ng pagpapalakas ng Republic Act number 11032 o ang Ease of Doing Business law upang matiyak na ang pagpoproseso ng mga business permits at iba pang dokumento sa pagnenegosyo ay hindi lalampas sa tatlong araw.
| Image from Manny Pacquiao's Facebook page |
COMMENTS