For sale ang Forbes Park mansion niManny PAcquiao sa halagang P2.3 billion.
| Image from Presello |
Napakamahal na pala ng presyo ng marangyang mansyon ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao sa Forbes Park; isang exclusive gated subdivision sa Makati City.
Makikita sa website ng Presello, isang real estate firm na kilala sa pagbebenta ng mga high-end real estate properties, na available for sale ang Pacquiao mansion sa tumataginting na P2.3 billion.
Inilarawan ang marangya at napakalaking bahay ni Pacquiao bilang isang zen-inspired mansion.
“This wonderful zen-inspired mansion was designed with exceptional tastes. The feel and vibe of this mega-mansion have a very tropical modern feel with a touch of elegant resort-like vice. See this wonderful mega-mansion for yourself,” ayon sa Presello website.
| Image from Presello |
Hindi man sinabi ng Pressello kung sino ang may-ari ng mansion for sale ay may mga palatandaan namang makikita sa larawang ipinost nito na ang mga Pacquiao ang owner ng ari-arian.
Ang mansyon na may floor area na 1,525 square meters ay nakatayo sa 2,000 square meters na lote. Mayroon itong limang bedrooms, pitong bathrooms at maluwang na garahe na kasya ang apat na sasakyan.
Ang mansyon ay ipina-renovate ng mag-asawang Pacquiao noong 2019. Ipinost pa ni Jinkee sa social media ang mga pagbabagong ginawa sa swimming pool doon.
Kamakailan lang, nag-post ang maybahay ng pambansang kamao sa kanyang Instagram account ng larawan ng kanilang Forbes Park mansion, na noong nakaraang taon ay ibinebenta sa mas murang halagang P1.5 billion.
| Image from Presello |
Ang naturang mansyon ay nabili ng mag-asawa noong 2011 sa halagang P388 million.
Una nilang sinubukang ibenta ang bahay noong 2014 sa halagang P708 million matapos umanong magreklamo ang ilang kapitbahay nila doon dahil sa mga bisita nila na hindi maayos ang mga kasuotan.
Sinabi naman ni Manny na hindi siya mapili sa kanyang mga nagiging bisita sa bahay. Kahit nga raw naka-shorts at tsinelas ang mga ito, welcome sa kanyang tahanan.
| Image from Jinkee Pacquiao's Instagram account |
“Ang bisita ko, iba-iba. Nakakahiya naman sa mga kapitbahay ko na may mga bisita akong nakatsinelas lang. Baka nakakaistorbo ako, siyempre sikat na sikat na subdivision ‘yun. Ako naman kasi, wala akong pinipili na bisita. Ayoko naman na iba yung pagkatao ko. Kahit marating ko na ako 'yung pinakamayamang tao sa buong mundo, para pa rin ako sa mahihirap," sabi noon ni Pacquiao.
Si Senator Pacquiao ay kasalukuyang kandidato sa pagka-pangulo sa darating na halalan sa May 2022.
COMMENTS