Sold out agad ang bagong lunsad na clothing line ni Marian Rivera.
Isang linggo pa lang ang nakalilipas nang buksan ni Marian Rivera-Dantes ang Clothing Line sa ilalim ng kanyang lifestyle brand na Flora Vida noong November 5, 2021 pero sold out na lahat ang kanyang paninda.
Ang Flora Vida, kung inyong natatandaan, ay unang inilunsad bilang online flower shop na ang espesyalidad ay preserved flower arrangements na ang aktres mismo ang gumagawa ng disenyo at nagpe-prepare.
Ayon kay Marian, ilang buwan ang inabot ng preparasyon ng paglulunsad ng Flora Vida Clothing Line kaya naman todo ang pasalamat niya nang sa wakas ay natuloy na ang lanching niyon.
“After months of planning and preparations, I’m happy to announce that our latest @floravidabymarian collection will be up on our website tomorrow! Thank you for all your continued support,” anang aktres sa kanyang social media account.
Makikita sa website ng Flora Vida By Marian na sold out na ang lahat ng stocks niya ng mga damit na kanyang idinesenyo.
May anim na designs ang clothing line ng aktres na may tatlong kulay na mapagpipilian - Black, White, at Woodrose. Nagkakahalaga ng P10,000 ang bawat isa.
Ang lahat ng mga damit ay yari mula sa OEKO-TEX Certified Linen. Na ang ibig sabihin ay ligtas itong isuot dahil walang mga nakasasamang kemikal ang ginamit sa paggawa ng tela tulad ng allergenic dyes, pesticides, heavy metals at iba pa.
“All Flora Vida Clothing line products are made from OEKO-TEX certified linen. The certification ensures the human-ecological safety of textile products in all stages of production (raw materials and fibers, yarns, fabrics, end products). Products that are OEKO-TEX certified are absent of allergenic dyes, pesticides, heavy metals and other harmful substances,” saad sa Flora Vida clothing line website.
Ang kanyang hilig sa magaganda at komportableng mga kasuotan raw ang inspirasyon ng paglulunsad niya ng kanyang bagong negosyo.
“Inspired by my love for dressing up and comfortable classic silhouettes that Flora Vida clothing was born. I hope you enjoy this collection as much as I enjoyed doing it and I look forward to seeing how you will style your Flora Vida clothing pieces,” aniya.
COMMENTS