Binansagan ng mga netizens si Angel Locsin bilang "marites."
| Image from Angel Locsin's Instagram account |
Si Angel Locsin isa raw “marites” sabi ng mga netizens.
Ang “marites” - na palasak na ngayon sa social media, ay pinaikling “mare, ano ang latest?” Sa madaling salita, ang marites daw ay kumakatawan sa sinuman sa inyong mga kumare o kapitbahay na mahilig sa pinakabagong tsismis.
Nagsimula raw ang pagtawag ng marites sa “the real Darna” na si Angel Locsin dahil sa isang komento ni Kris Aquino sa Instagram.
Base sa komento ng Queen of All Media, si Angel pala ang nag-forward sa kanya ng kontrobersyal na tweet ni Herbert “Bistek” Bautista. Ang tweet na siyang dahilan kung bakit naimbyerna si Mel Sarmiento kay Bistek.
| Screenshot from Kris Aquino's video |
Heto ang komento ni Kris Aquino na pinagsimulan ng lahat:
“@therealangellocsin pwede ko bang I-reveal na ikaw ‘yung nagpadala ng tweet sa ‘kin? And sinabi ko ang weird mo kasi nung nabasa ko ng 5 AM (because nag-bathroom ako) at nag-reply sa ‘yo tapos sumagot ka dahil gising ka pa, sinagot mo ko na Ate, walang tatalo naman sa pagka-weird nya, kaya matulog na tayo.”
Heto naman ang komento ng isang netizen sa sinabi ni Kris: “Angel as Maritess. Natawa naman ako dun.”
May isang netizen naman na hindi nagustuhan ang ginawa ni Kris na tila inilagay daw sa alanganin si Angel.
“@krisaquino Did you just put @therealangellocsin on the spot by asking the question, pwede bang I-reveal na ikaw ‘yung nagpadala ng tweet sa akin in a public post? Should you have privately messaged her first to ask? What if angel wants that conversation just between her and you?”
| Screenshot from Kris Aquino's Instagram account |
Sinagot naman ito ni Kris at sinabing mga tao pa rin naman sila ni Angel na pwedeng magbiruan na walang mapipikon.
To the rescue naman si Angel at sinabi sa netizen na walang problema dahil “Ate” niya si Kris.
| Image from Kris Aquino's Instagram account |
Sa kabila niyon, nagpatuloy pa rin ang naturang netizen at iginiit na ang dating niyon sa kanya ay hindi biruan.
Dahil doon, napagbalingan ng mga followers ni Kris Aquino ang netizen at tinawag nila itong “marisol” o ang kumare mong mahilig manulsol.
COMMENTS