Humakot ng papuri ang 'Amakabogera' live performance video ni Maymay Entrata sa Wish 107.5 Bus.
Bumubuhos talaga ang talento ni Marydale Entrata, o ang mas kilala bilang Maymay Entrata, matapos itong tanghaling grand winner sa Pinoy Big Brother: Lucky 7 Edition noong 2017.
Patuloy na sinusurpresa ng 24-anyos na PBB star ang kanyang mga tagahanga sa mga nakamamanghang kakayahan niya sa iba't ibang larangan - bilang aktres sa pelikula man o telebisyon, bilang modelo, book author, host at mang-aawit,
Kamakailan lamang ay humakot ng papuri ang kanyang 'Amakabogera' live performance video sa Wish 107.5 Bus at umabot na sa halos tatlong milyon ang views nito sa YouTube.
Ang kanyang mensahe sa mga 'Amakabogera' listeners, “Don’t ever doubt and compare yourself with others. You are beautiful, you are unique, and you are strong. Don’t let their standards snatch your crown.”
Tunay namang pinatunayan ni Maymay na marami pa siyang mailalabas na talento at kahusayan at hindi niya kailangang pagdudahan ang sarili o ikumpara ang kanyang journey sa iba. Sabi nga sa ilang bahagi ng kanyang awitin:
COMMENTS