Kung sakaling mahahalal bilang susunod na pangulo, isa sa tututukan ng administrasyon ni Mayor Isko ang pabilisin ang mabagal na internet sa bansa.
Kung sakaling palarin na mahalal bilang susunod na pangulo, isa umano sa tututukan ng administrasyon ni Manila Mayor Isko Moreno ang pabilisin ang mabagal na internet sa Pilipinas.
Si Moreno ay
kumakandidato sa pagka-presidente sa ilalim ng Aksyon Demokratiko kasama ni Dr.
Willie Ong na kaniyang bise.
Sa isinagawang ‘listening tour’ ng kampo ni Yorme sa Binangonan, Rizal nitong Martes, Nobyembre 23, nangako ang alkalde na maglalaan siya ng P45-bilyon para sa mga imprastrakturang itatayo para pabilisin ang internet sa bansa.
| Imahe mula sa Facebook| Isko Moreno Domagoso |
“The speed of connection
will be competitive,” ani Mayor Isko. “The return of this will create more
jobs, more businesses, more communities.”
Isa umano sa
kaniyang plano ay paglalatag ng fiber optic cables upang magkaroon ng digital
interconnection ang mga probinsiya sa buong bansa, mula ‘Batanes hanggang Tawi-Tawi’.
"First things first: the foundation of communication, kailangan natin doon mag-invest heavily. It's high speed dahil fiber optic, hindi yung mema, mema-kabit lang, mema-connect lang,” patuloy ng alkalde batay sa ulat ng ABS-CBN News.
| Imahe mula sa Facebook| Isko Moreno Domagoso |
Ito umano ang
magiging pundasyon patungo sa pagtatayo hindi lamang nga mga ‘smart cities’
kung hindi ‘smart country.’
Kaugnay nito, tiniyak ni Mayor Isko na popondohan niya ang naturang proyekto at kukunin ito mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pamamagitan ng pagre-reallocate ng 10 porsiyento ng pondo ng ahensiya.
| Imahe mula sa News Presenter |
Batay sa pinakahuling
datos ng Ookla 2021 Speedtest Global Index, ang average mobile download speed sa
bansa ay pumapalo lamang sa 32.84 Mbps, habang ang average download speed para
sa fixed broadbands naman ay nasa 66.55 Mbps lamang.
Samantala,
maliban sa pagpapabilis ng internet, nasa plataporma rin ng standard-bearer ng
Aksyon Demokratiko ang pagbabawas sa buwis sa gasolina at kuryente at
moratorium sa conversion ng mga farmlands sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
COMMENTS