Hindi nagustuhan ng fiance ni Kris Aquino ang tweet ni Herbert Bautista.
| Composite photos of Mel, Kris and Herbert |
Hindi pinalampas ni Mel Sarmiento, ang dating secretary ng Department of Interior and Local Government na ngayon ay fiancé ni Kris Aquino, ang social media post ni former Quezon City mayor Herbert Bautista na ngayon ay isang senatorial candidate.
Pinaalalahanan ni Mel Sarmiento ang dating mayor na hindi tama na pinag-uusapan sa publiko ang mga nakalipas na relasyon. Aniya, improper at ungentlemanlike daw ang ganoon.
Isang pahayag ang inilabas ni Mel Sarmiento hinggil doon na sana raw ay magsilbing paalala hindi lang kay Herbert Bautista kundi para sa lahat.
Hindi man daw nagbanggit ng pangalan si Herbert pero, obvious daw na si Kris ang pinatutungkulan nito.
| Srreenshot from Kris Aquino's video |
“Although Mayor Herbert Bautista has already taken down his post which obviously referred to Kris, I just wish that this would serve as a reminder that talking about past flames in public is improper and ungentlemanlike,” pahayag ng boyfriend ni Kris Aquino.
Dapat daw ay alam ni Herbert, bilang dating public servant at senatorial candidate, na hindi tama na kaladkarin ang ibang tao para lang makuha ang atensyon ng publiko.
“As a former public servant now seeking a seat in the Senate, he should know better than dragging other people to get public attention,” sabi pa ni Mel Sarmiento.
| Image from Wikipedia |
Ayon sa kanya, sa halip na tungkol sa mga nakalipas na karelasyon ay mas magugustuhan pa ng mga tao kung ang sasabihin ni Herbert ay tungkol sa mga credentials niya upang himukin ang publiko na iboto siya.
“Hindi po showbiz ang Senado. People would appreciate it more if he would talk about his credentials to woo our people’s vote. Mas magandang accomplishments niya bilang public servant ang ilahad niya sa publiko sa halip na ang mga nakalipas niyang karelasyon,” dagdag pa niya.
| Image from MixedArticles |
Ang nagbunsod kay Mel Sarmiento upang maglabas ng statement ay ang Twitter post ni Herbert Bautista kay Senator Panfilo Lacson.
“Mr. President Ping @iampinglacson, na-inspire din tuloy akong mag-propose. Kaso, sayang… may napili na po sya. #TOTGA #KungMaibabalikKoLang,” tweet ni Herbert.
Inalis na ng dating alkalde ang naturang tweet.
COMMENTS